1
00:00:06,520 --> 00:00:09,320
ISANG SERYE MULA SA NETFLIX
2
00:00:11,360 --> 00:00:15,760
SA ALAALA NI JERZY TRELA
1942-2022
3
00:00:30,960 --> 00:00:35,160
HUWEBES, IKA-SAMPU NG HULYO 1997,
DOMANIEWO
4
00:01:06,120 --> 00:01:08,320
Nasaan na ang lintik na resetang iyon?
5
00:01:25,560 --> 00:01:28,560
HULYO 1972, ILOG OLAWA
6
00:01:31,800 --> 00:01:37,480
Ang pagpapasabog ng mga sabal sa Domaniewo
ay nagbunga ng baha sa Planta ng Latka.
7
00:01:37,560 --> 00:01:41,880
Bilang resulta, ang kawan
ng 370 baka sa Domaniewo ay nasaktan.
8
00:01:41,960 --> 00:01:43,760
Tinatantiya pa rin ang kabuuang pinsala…
9
00:01:43,840 --> 00:01:45,840
Galing kaya ito sa bakang iyon?
10
00:01:46,920 --> 00:01:49,400
May makapagsasabi ba sa akin
kung bakit walang may alam
11
00:01:49,480 --> 00:01:51,560
na mayroong Planta ng Gatas ng Latka
sa Domaniewo?
12
00:01:52,160 --> 00:01:53,920
Sa kasamaang palad,
hindi iyon markado sa aming mga mapa.
13
00:01:54,000 --> 00:01:55,480
Kasing liit ba iyon ng langaw?!
14
00:01:56,080 --> 00:01:57,320
Kaya hindi ninyo napansin?
15
00:01:57,400 --> 00:02:00,200
Sinabihan na kitang huwag magtiwala
sa babaeng iyon, sa Tremer na iyon.
16
00:02:00,280 --> 00:02:04,040
-Ano ang kinalaman ni Bb. Tremer doon?
-Hindi mo ba nakikita?
17
00:02:04,600 --> 00:02:07,480
-Siya ang may gawa ng kaguluhang ito.
-Base sa aking… ating kalkulasyon--
18
00:02:07,560 --> 00:02:09,600
Kailangan mong balaan ang mga tao.
19
00:02:10,400 --> 00:02:12,840
-Ano?
-Babahain ang sentro.
20
00:02:13,560 --> 00:02:16,039
Ang sentro?
Pero sa hilaga ang aming operasyon.
21
00:02:16,120 --> 00:02:18,520
Naiintindihan kong ikinalulungkot mo
22
00:02:18,600 --> 00:02:20,720
ang kinahinatnan ng iyong operasyon
sa Domaniewo.
23
00:02:20,800 --> 00:02:23,560
Ang pagkakaiba ng antas sa Wroclaw
ay magdudulot ng pagtambak sa Olawa.
24
00:02:23,640 --> 00:02:26,800
Hindi aagos palayo ang tubig,
at liligwak ito sa doon sa sentro.
25
00:02:26,880 --> 00:02:28,160
Tatangayin ng Oder
ang tubig mula sa Ilog Olawa.
26
00:02:28,240 --> 00:02:32,000
Hindi. Tingnan mo ang mga antas.
Ito ay pisika, G. Nowak.
27
00:02:32,080 --> 00:02:35,720
-Propesor Nowak!
-Kung anuman. Pisika pa rin ito, tama?
28
00:02:35,800 --> 00:02:37,120
Pantasya ang sinasabi mo at hindi pisika.
29
00:02:38,040 --> 00:02:39,560
Hayaan mong…
30
00:02:41,120 --> 00:02:42,960
-Mam!
-Nasisiraan ka na ba?!
31
00:02:43,560 --> 00:02:45,920
Ganyan ang magiging hitsura,
mga ginoo! Palarin kayo!
32
00:02:46,000 --> 00:02:47,320
Bb. Tremer!
33
00:02:52,160 --> 00:02:54,080
TELEBISYONG MERKURY
34
00:02:54,160 --> 00:02:55,560
Jaśmina!
35
00:02:57,120 --> 00:02:58,480
Saan ka pupunta?
36
00:02:59,520 --> 00:03:01,400
Tinatanong kita?
37
00:03:03,000 --> 00:03:07,200
Ilikas mo ang batang
nasa bunggalo sa Biskupin, okey?!
38
00:03:08,080 --> 00:03:10,720
Huminahon ka nga. 'Di bibilis ang asensor
kahit maka-ilang pindot ka pa riyan.
39
00:03:10,800 --> 00:03:14,120
Bumalik na tayo sa himpilan at pag-usapan
ang mga pwedeng gawin bilang maygulang.
40
00:03:14,960 --> 00:03:16,440
Ano pa ang mga pwedeng gawin?
41
00:03:16,520 --> 00:03:19,040
Tatlong beses sa normal
ang bilis ng daloy ng tubig.
42
00:03:19,120 --> 00:03:21,720
-Wala nang ibang paraan, Kuba!
-Kaya nga mag-isip ka.
43
00:03:21,800 --> 00:03:25,560
-Imbis na layasan mo kami.
-Mag-isip kasama ng tarantadong si Nowak?
44
00:03:25,640 --> 00:03:27,360
Payong-kaibigan lang,
bumili kayo ng mga salbabida.
45
00:03:28,240 --> 00:03:29,720
Putang ina!
46
00:03:31,600 --> 00:03:34,360
-Hindi mo ako pwedeng iwan ngayon.
-Pwede. At gagawin ko.
47
00:03:34,440 --> 00:03:35,960
Pakiusap…
48
00:03:37,320 --> 00:03:39,000
Hahayaan mo ba akong makita si Klara?
49
00:03:42,160 --> 00:03:43,640
Tungkol pala riyan ang lahat ng ito.
50
00:03:43,720 --> 00:03:46,160
Kinailangan pa ng baha
para lang magpakita ka.
51
00:03:46,240 --> 00:03:48,440
Kinailangan pa ng baha
para lang tawagan mo ako.
52
00:03:51,120 --> 00:03:52,000
Hindi pwede.
53
00:03:52,680 --> 00:03:56,480
Pakiusap. Malinis na…
Dalawang taon na akong malinis.
54
00:03:56,560 --> 00:03:59,160
At ang gamot na laman ng bag mo
ay para sa ubo, ganoon ba?
55
00:04:00,120 --> 00:04:01,240
Putang ina mo.
56
00:04:01,960 --> 00:04:05,120
-May iba ka pang tungkulin sa pamilya!
-'Tang ina mo.
57
00:04:15,040 --> 00:04:16,560
Jaśmina, sandali.
58
00:04:17,720 --> 00:04:19,720
Ano iyon? Nagmamadali ako.
59
00:04:20,880 --> 00:04:23,160
Pwede kitang ipagmaneho, isakay…
60
00:04:24,920 --> 00:04:25,880
Ano ang kapalit?
61
00:04:32,400 --> 00:04:35,440
005, banggaan sa Świdnicka.
62
00:04:35,520 --> 00:04:37,800
Kopya. Nariyan na kami
sa loob ng dalawang minuto.
63
00:04:39,920 --> 00:04:42,480
-Legal ba ito?
-Ewan ko.
64
00:04:42,560 --> 00:04:45,560
Hindi encrypted ang frequency.
Bahala sila.
65
00:04:46,840 --> 00:04:48,360
Bale…
66
00:04:48,440 --> 00:04:50,840
ang Wroclaw ay maaaring
matulad sa Klodzko?
67
00:04:50,920 --> 00:04:53,440
Mas malala. Isa lang ang ilog sa Klodzko.
Lima ang sa atin.
68
00:04:54,680 --> 00:04:57,240
Ang mga alon ng limang ilog
ay magsasama-sama.
69
00:04:58,040 --> 00:04:59,400
Lulubog itong lungsod.
70
00:05:00,240 --> 00:05:04,200
Ang Japanese Garden,
mga bahay na inayos para sa Santo Papa…
71
00:05:04,280 --> 00:05:06,600
Mabubura ang lungsod na ito sa mapa.
72
00:05:08,080 --> 00:05:09,480
Lumiko ka rito, mas mabilis.
73
00:05:15,720 --> 00:05:18,360
Sabi na nga ba't taga-Wroclaw ka.
74
00:05:20,440 --> 00:05:21,360
Pwede mo ba akong ibaba?
75
00:05:22,520 --> 00:05:25,320
-Dito? Wala namang pupuntahan dito.
-Ibaba mo na lang ako.
76
00:05:25,400 --> 00:05:26,440
Okey.
77
00:05:32,720 --> 00:05:36,960
Jaśmina, pasensya ka na
kung may nasabi akong mali.
78
00:05:37,040 --> 00:05:38,240
Wala naman, huwag kang mag-alala.
79
00:05:38,320 --> 00:05:41,520
Siya nga pala,
kung may gusto ka pang ibahagi…
80
00:05:44,240 --> 00:05:45,920
Salamat sa libreng sakay. Paalam.
81
00:05:49,960 --> 00:05:52,960
Makikita mo namang
abala ang lahat ng mga doktor.
82
00:05:53,040 --> 00:05:56,480
Tanging si Dr. Bialkowski lamang
ang libre ngayon.
83
00:05:56,560 --> 00:05:58,840
Kung gano'n, itakda mo
ang pagbisita ko sa kanya.
84
00:05:58,920 --> 00:06:01,600
-Pero isa siyang urologo.
-Tamang-tama.
85
00:06:02,840 --> 00:06:04,960
Nang walang referral? Tingnan natin.
86
00:06:06,320 --> 00:06:08,520
-Pauuwiin na ang dalawang pasyente.
-Pakiusap…
87
00:06:08,600 --> 00:06:09,840
Bb. Tremer?
88
00:06:12,400 --> 00:06:13,720
Sumunod ka sa akin.
89
00:06:18,520 --> 00:06:19,800
Ilang bote ang kailangan mo?
90
00:06:21,400 --> 00:06:22,920
Dalawa. Tatlo.
91
00:06:27,440 --> 00:06:29,480
Gaano katagal mo nang iniinom iyon?
92
00:06:29,560 --> 00:06:30,840
Dalawang taon.
93
00:06:32,560 --> 00:06:34,160
Pero binababaan ko ang dosis.
94
00:06:35,320 --> 00:06:36,880
Hindi kaya oras na
para ibaba ang dosis sa wala?
95
00:06:39,240 --> 00:06:41,960
Kasi… Walang tamang tiyempo.
96
00:06:43,800 --> 00:06:47,480
Alam mo, ang sabi ng mga tao,
"Nagsisimula ang ligaya sa dulo ng takot."
97
00:06:49,800 --> 00:06:52,120
Napakaganda. Isusulat ko iyan.
98
00:06:56,920 --> 00:06:58,320
Salamat.
99
00:06:59,360 --> 00:07:01,640
Kung sakali, handa na ba ang ospital
sa paglikas?
100
00:07:03,120 --> 00:07:04,960
Hindi pa ako inaalerto ng punong-himpilan.
101
00:07:05,040 --> 00:07:08,960
Kapag inalerto ka nila, huli na ang lahat.
Hindi nila alam ang ginagawa nila.
102
00:07:23,880 --> 00:07:24,800
Kumusta!
103
00:07:26,640 --> 00:07:29,920
-Aba, ikaw pala.
-Oo…
104
00:07:30,800 --> 00:07:32,280
Sa ospital na ito namamalagi ang ama ko.
105
00:07:33,800 --> 00:07:35,200
Ay, oo nga pala.
106
00:07:35,280 --> 00:07:37,800
-At kumusta naman siya?
-Mabuti naman, salamat.
107
00:07:39,040 --> 00:07:40,280
Ano nga pala ang pakay mo rito?
108
00:07:40,960 --> 00:07:42,760
Nagpatingin lang, alam mo na.
109
00:07:43,720 --> 00:07:45,360
Maaari ba akong makahingi ng isa?
110
00:07:45,440 --> 00:07:46,640
Heto.
111
00:07:47,440 --> 00:07:48,280
Ay, huling piraso na pala iyan.
112
00:07:48,360 --> 00:07:50,480
Kunin mo na.
May isang pakete pa ako sa bag. Heto.
113
00:08:02,680 --> 00:08:04,640
Kumusta naman ang tungkol sa baha?
114
00:08:06,840 --> 00:08:10,960
Subukan mong ilabas ang ama mo
bago mag-Linggo.
115
00:08:11,040 --> 00:08:12,640
Ganoon ang lagay ng baha.
116
00:08:13,720 --> 00:08:15,280
Kailangan ko nang umalis. Paalam.
117
00:08:22,160 --> 00:08:23,560
Ano ang dapat nating gawin,
Propesor Nowak?
118
00:08:25,240 --> 00:08:28,200
Bale… Mahirap magbigay
ng isang malabong sagot.
119
00:08:29,960 --> 00:08:32,560
Hindi dapat magdesisyon
base sa malalabong impormasyon.
120
00:08:32,640 --> 00:08:35,480
Paano kung daraan talaga
ang tubig sa sentro?
121
00:08:36,160 --> 00:08:38,400
Pa-hilaga ang daan no'n.
Ilang beses ko bang dapat sabihin?
122
00:08:39,159 --> 00:08:41,320
Pero ang Ilog Olawa…
123
00:08:41,400 --> 00:08:43,400
Manahimik ka na, Piepka, pwede ba?!
124
00:08:43,480 --> 00:08:44,720
Janek.
125
00:08:46,600 --> 00:08:47,840
Janek…
126
00:08:51,400 --> 00:08:52,480
Janek!
127
00:08:55,360 --> 00:08:57,080
-Koronel!
-Ano iyon?
128
00:08:57,160 --> 00:08:58,880
Kailangang i-seguro ang Strachocin.
129
00:08:58,960 --> 00:09:01,960
-Marahil pati na rin ang Kowale.
-"Marahil"? Oo ba o hindi?
130
00:09:02,560 --> 00:09:03,960
Pareho na nang makasiguro.
131
00:09:04,040 --> 00:09:06,680
Tulad nga ng sabi nila,
"Daig ng maagap ang masipag."
132
00:09:06,760 --> 00:09:10,240
Sige, magdaragdag kami ng mga yunit
mula sa mga bumbero at militar.
133
00:09:10,320 --> 00:09:11,480
Magandang umaga…
134
00:09:11,560 --> 00:09:13,560
Paumanhin, Andrzej. Ang pulisya.
Syempre, mula sa pulisya.
135
00:09:13,640 --> 00:09:19,320
…ikansela ang aming iskedyul upang iulat
ang emerhensiya sa Wroclaw.
136
00:09:19,400 --> 00:09:20,960
Ayon sa mga 'di opisyal na impormasyon
na may kinalaman sa punong-himpilan,
137
00:09:21,040 --> 00:09:26,640
ang makasaysayang sentro ng lungsod
ay nanganganib na bahain.
138
00:09:26,720 --> 00:09:29,680
-Tremer. Putang ina.
-…Ibabalita namin ang mga pagbabago.
139
00:09:53,240 --> 00:09:55,880
Huwag kang matakot, mam. Lumakad ka lang.
140
00:09:55,960 --> 00:09:57,520
Isa itong lumang Alemang kalo.
141
00:09:57,600 --> 00:10:00,280
Pero ang lubid ay Polako, tama?
142
00:10:01,840 --> 00:10:03,800
Mukha namang Polako.
143
00:10:52,840 --> 00:10:59,040
PANGANIB NG PAGBAHA. LISANIN NA
ANG BAHAY AGAD-AGAD. HOUSING BOARD.
144
00:11:32,680 --> 00:11:33,960
PAMILIHAN NI BASIA
GROSERI - ALAK
145
00:11:46,200 --> 00:11:47,920
Jaśmina?
146
00:11:49,160 --> 00:11:51,400
Diyos ko! Ikaw ba talaga iyan?
147
00:11:52,600 --> 00:11:54,840
Oo, ako ito.
148
00:11:56,040 --> 00:11:58,920
Ano ang sabi ng mama mo
noong nakita ka niya?
149
00:11:59,000 --> 00:12:00,960
Sigurado akong masaya siya, ano?
150
00:12:02,360 --> 00:12:03,760
A. Si Mama ay si Mama.
151
00:12:05,920 --> 00:12:07,840
Gaano katagal na itong pamillihan mo?
152
00:12:07,920 --> 00:12:09,960
Tatlong taon na sa Agosto.
153
00:12:10,040 --> 00:12:12,080
Mayroong rentahan ng bidyo si Kazio rito,
154
00:12:12,160 --> 00:12:15,360
pero nagsara iyon nang naglabasan
ang mga legal na bala sa merkado.
155
00:12:15,440 --> 00:12:19,560
Nagkaroon siya ng atherosclerosis
at buong araw na lang nakaupo sa bahay.
156
00:12:19,640 --> 00:12:21,800
Doon pa rin ba kayo nakatira
isang palapag sa itaas ni Mama?
157
00:12:22,440 --> 00:12:24,960
Hindi ako kailanman lilipat.
158
00:12:25,040 --> 00:12:27,240
Matutuwa si Beata na makita ka.
159
00:12:27,320 --> 00:12:31,160
Siya ang nars sa ward sa kagawaran
ng kardyolohiya sa Traugutta, alam mo ba?
160
00:12:31,240 --> 00:12:34,120
Nakamit niya ang matagal niyang inasam.
Ang pagtatrabaho sa ospital.
161
00:12:34,200 --> 00:12:37,560
-Paumanhin, may aasikaso ba sa akin?
-Papunta na riyan.
162
00:12:37,640 --> 00:12:39,080
Bb. Basia…
163
00:12:39,680 --> 00:12:44,160
maaari bang manatili muna si Mama
sa inyo sa itaas nang ilang araw?
164
00:12:44,240 --> 00:12:47,000
-Sinabi ko na kay Kuba na tutulong ako.
-Kuba?
165
00:12:47,080 --> 00:12:50,080
Hindi niya nabanggit na darating ka.
166
00:12:50,160 --> 00:12:52,440
Nakiusap lang siyang
puntahan ko ang mama mo.
167
00:12:54,120 --> 00:12:58,120
Ang punto ay dalhin siya sa itaas
mula sa unang palapag.
168
00:12:58,640 --> 00:12:59,880
Ilang araw lang naman.
169
00:13:00,800 --> 00:13:03,160
Kung gano'n, totoo ang sinasabi nila
tungkol sa baha?
170
00:13:05,160 --> 00:13:08,600
Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nila,
pero hindi maganda ang mangyayari.
171
00:13:10,400 --> 00:13:13,480
Pero paano natin siya ilalabas?
172
00:13:13,560 --> 00:13:16,280
-Mam, nagmamadali ako!
-Oo, heto na ako.
173
00:13:16,360 --> 00:13:18,080
Gagawin niya kung ano ang sasabihin mo,
Gng. Basia.
174
00:13:18,160 --> 00:13:21,400
Babayaran ko ang lahat,
'wag kang mag-alala. Mauna na ako. Paalam.
175
00:13:21,480 --> 00:13:23,920
Teka! Imposibleng
maalalayan ko siyang mag-isa.
176
00:13:25,160 --> 00:13:26,360
Ano iyon?
177
00:13:38,600 --> 00:13:41,680
Subukan mo ang mga ito.
Mula sa sarili mong hardin.
178
00:13:41,760 --> 00:13:44,000
Iwan mo na ako. Musmos ba ako o kung ano?
179
00:13:51,320 --> 00:13:53,760
Bakit ba labas-masok sila rito?
180
00:13:53,840 --> 00:13:56,640
Noon naman, naghihingalo ka na
at nagkakape lang sila.
181
00:13:58,840 --> 00:14:00,080
Hindi ko alam.
182
00:14:00,760 --> 00:14:02,760
-Magandang umaga!
-Magandang umaga.
183
00:14:03,600 --> 00:14:05,440
Lumabas muna kayo.
Susuriin namin ang pasyente.
184
00:14:09,200 --> 00:14:10,880
Okey. Kumusta ang iyong lagay?
185
00:14:11,720 --> 00:14:14,320
-Ano?
-Kumusta ang pakiramdam mo?
186
00:14:14,400 --> 00:14:15,440
Mas mabuti noon.
187
00:14:17,560 --> 00:14:19,600
Itong komosyon sa ospital ngayong araw,
ano ba ang mayroon?
188
00:14:20,200 --> 00:14:22,240
Komosyon? Trabaho lang,
gaya nang ibang araw.
189
00:14:23,040 --> 00:14:26,240
Naku. Sige, furosemide
at dobutamine dalawang beses kada araw.
190
00:14:26,320 --> 00:14:28,760
Ibigay sa pamamagitan ng infusion pump.
191
00:14:30,000 --> 00:14:31,600
Palarin ka, G. Rębacz.
192
00:14:32,800 --> 00:14:35,200
-Uy, kumusta ka ngayong araw?
-Kumusta.
193
00:14:35,280 --> 00:14:37,440
-Mabuti naman.
-Mabuti naman?
194
00:14:41,000 --> 00:14:43,160
Okey, kunin ninyo ang pangbomba
mula sa ikalawang palapag.
195
00:14:43,240 --> 00:14:45,400
Doktor, makabubuti kaya
kung iuwi ko na lang si Papa?
196
00:14:45,480 --> 00:14:48,440
Iuwi?! Hindi tumutugon sa gamutan
ang ama ninyo.
197
00:14:48,520 --> 00:14:51,520
Nabalitaan ko ang nagbabadyang pagbaha
sa Wroclaw.
198
00:14:51,600 --> 00:14:53,400
Mas magiging ligtas siya sa bahay, tama?
199
00:14:55,440 --> 00:14:57,080
Ang mga pasyente na malala ang lagay
ay mananatili rito.
200
00:14:57,680 --> 00:14:59,320
Maaari akong mag-renta
ng pribadong ambulansiya para bukas.
201
00:15:00,760 --> 00:15:03,960
Masyadong mahina ang ama ninyo.
Hindi siya makakauwi nang buhay.
202
00:15:06,760 --> 00:15:08,920
Siguro'y bubuti ang pakiramdam niya
sa loob ng dalawa o tatlong araw.
203
00:15:25,200 --> 00:15:27,880
Diyos ko! Ano'ng ginagawa mo, Pa?
Ano ba ang ginagawa mo?
204
00:15:27,960 --> 00:15:30,000
Tingin mo ba ay hindi ko alam
kung ano ang nangyayari dito?
205
00:15:30,080 --> 00:15:31,840
Nag-iimpake ang ospital
dahil parating na ang Oder.
206
00:15:31,920 --> 00:15:34,160
Walang nag-iimpake ng kahit ano.
Magpahinga ka na.
207
00:15:35,880 --> 00:15:37,080
Paano na ang bahay?
208
00:15:37,160 --> 00:15:38,960
Ano ang nangyayari dito?
209
00:15:39,040 --> 00:15:39,880
Paano na…
210
00:15:39,960 --> 00:15:42,400
-Umaasta ka na parang bata.
-Paano na ang bahay?
211
00:15:42,480 --> 00:15:46,160
-Paano na ang bahay?
-Ayos lang ang lahat.
212
00:15:46,240 --> 00:15:48,680
Inaayos ko ito. Makikita mo pag-uwi mo.
213
00:15:48,760 --> 00:15:49,960
Huwag mo munang alalahanin ang bahay.
214
00:15:53,960 --> 00:15:55,440
Anak…
215
00:15:57,440 --> 00:15:59,000
Anak…
216
00:16:00,000 --> 00:16:01,600
Anak…
217
00:16:01,680 --> 00:16:05,560
Ang bahay na iyon ay higit pa
sa bunton ng mga ladrilyo at bubong.
218
00:16:05,640 --> 00:16:06,760
Alam ko, Pa. Alam ko.
219
00:16:08,320 --> 00:16:10,480
Kung kaya't hindi mo na ito makikilala
pagkatapos ng pag-aayos.
220
00:16:10,560 --> 00:16:12,040
Magiging napakaganda nito.
221
00:16:14,440 --> 00:16:15,840
Umuwi ka na, anak.
222
00:16:21,400 --> 00:16:22,600
Pakiusap, umuwi ka na.
223
00:16:24,880 --> 00:16:26,200
Sige na.
224
00:16:31,400 --> 00:16:32,360
Paalam, Pa.
225
00:16:52,040 --> 00:16:54,080
Sinabi sa akin ng iyong sekretarya
kung saan ka matatagpuan.
226
00:16:54,160 --> 00:16:56,200
Tumatakbo ako rito
para linawin ang isip ko.
227
00:16:58,560 --> 00:17:01,440
Ayon kay Propesor Nowak,
ang tubig ay hindi daraan sa sentro.
228
00:17:01,520 --> 00:17:04,360
Ang mahalaga ay ang sinasabi ng midya,
hindi ang sinasabi niya.
229
00:17:07,800 --> 00:17:09,720
Sino ang nagsiwalat?
Ang iyong kaibigan, si Tremer?
230
00:17:10,560 --> 00:17:11,960
Ang totoo niyan, hindi na iyon mahalaga.
231
00:17:14,440 --> 00:17:16,560
Kailangan mong pumunta
sa hilaga ng lungsod.
232
00:17:16,640 --> 00:17:18,599
Susundan ka ng midya doon.
233
00:17:21,680 --> 00:17:23,720
Palagay mo ay pakakalmahin no'n
ang mga tao sa sentro?
234
00:17:25,599 --> 00:17:27,960
Magsuot ka ng damit
na angkop para sa sakuna.
235
00:17:28,640 --> 00:17:29,960
Sa ngayon,
ako na muna ang bahala sa mga suplay.
236
00:17:53,160 --> 00:17:59,240
MAARAW NA HINAHARAP PARA SA POLAND
237
00:18:14,120 --> 00:18:15,120
Macioszek, halika na.
238
00:18:37,880 --> 00:18:39,160
At nasaan na ang mga sako ng buhangin?
239
00:18:40,000 --> 00:18:41,720
Macioszek!
Nasaan na ang mga sako ng buhangin?
240
00:18:41,800 --> 00:18:43,600
Ang mga sako ng buhangin, bale…
241
00:18:44,760 --> 00:18:46,960
Siguro ay nasa kabilang bodega?
242
00:19:02,560 --> 00:19:05,880
-Ano ang mga ito?
-Ang mga sako ng buhangin.
243
00:19:05,960 --> 00:19:07,120
Pinaglololoko mo ba ako?
244
00:19:08,520 --> 00:19:10,480
Mismo, Macioszek.
Pinaglololoko mo ba kami?
245
00:19:10,560 --> 00:19:13,640
-Nasaan na ang iba?
-Nasa lugar ng pagsasanay.
246
00:19:15,200 --> 00:19:16,440
Nasa lintik na lugar ng pagsasanay!
247
00:19:16,520 --> 00:19:18,560
Mayroon kayong Lugol's iodine,
pero wala kayong mga sako ng buhangin?!
248
00:19:18,640 --> 00:19:21,280
Huwag kang mabahala, G. Marczak.
"Huminahon at tayo'y bumangon."
249
00:19:21,360 --> 00:19:22,640
Mayroon man lang ba tayong buhangin?
250
00:19:23,680 --> 00:19:25,840
Napakaraming buhanginan sa Wroclaw!
251
00:19:25,920 --> 00:19:29,400
Ser, mayroong minahan ng buhangin
ang bayaw ko. Baka matulungan niya tayo.
252
00:19:30,440 --> 00:19:32,440
Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin,
Macioszek?
253
00:19:32,520 --> 00:19:35,640
Tawagan mo siya para magpadala
ng buhangin. Babayaran natin.
254
00:19:41,560 --> 00:19:42,400
Pambihira.
255
00:20:10,160 --> 00:20:11,040
Salamat.
256
00:20:12,320 --> 00:20:15,040
Magandang gabi.
Ang sunod na tren pa-Elbląg, salamat.
257
00:20:17,280 --> 00:20:19,920
Ang susunod ay lalarga mamayang 11:20 pm.
258
00:20:20,720 --> 00:20:22,200
Pero mga berth ticket na lang
ang natitira.
259
00:20:23,000 --> 00:20:24,080
Pwede na iyon.
260
00:20:26,280 --> 00:20:29,520
Napagtanto naming matindi ang pagkabahala
261
00:20:29,600 --> 00:20:34,840
nang makita naming lumilikas ang mga tao
mula sa kalapit na rehiyon.
262
00:20:34,920 --> 00:20:38,160
Mga binibini't ginoo,
pakiusap, huwag kayong mataranta.
263
00:20:38,240 --> 00:20:40,360
Ligtas ang Wroclaw,
nakaantabay kami sa sitwasyon.
264
00:20:40,440 --> 00:20:42,840
-Pupunta ako doon at…
-Kalokohan.
265
00:20:58,600 --> 00:20:59,480
Salamat.
266
00:21:00,440 --> 00:21:04,320
Mabuti't naabutan kita.
Mayroong naghihintay sa'yo sa kapihan.
267
00:21:04,400 --> 00:21:05,240
Sa akin?
268
00:21:15,720 --> 00:21:16,680
Kumusta!
269
00:21:17,560 --> 00:21:18,560
Kumusta.
270
00:21:28,600 --> 00:21:29,440
Nasaan na ang papa mo?
271
00:21:31,320 --> 00:21:32,360
Nasa punong-himpilan, malamang.
272
00:21:36,960 --> 00:21:38,920
Dito ka muna, ikukuha kita ng maiinom.
273
00:21:46,000 --> 00:21:47,920
Paumanhin!
Maaaring ba akong makigamit ng telepono?
274
00:21:52,560 --> 00:21:53,560
Salamat.
275
00:22:12,080 --> 00:22:13,680
May ganyan ding panlamig si Papa.
276
00:22:15,240 --> 00:22:16,720
Pero tsapa ng Anarkiya ang nakalagay.
277
00:22:22,200 --> 00:22:23,560
Ano talaga ang ginagawa mo rito?
278
00:22:27,320 --> 00:22:29,600
Gusto kong alamin
kung gaano mo kakilala si Papa.
279
00:22:32,880 --> 00:22:35,280
Magkasama kami sa trabaho,
kaya medyo kilala ko siya.
280
00:22:38,920 --> 00:22:40,360
Pero pangalan ang tawagan ninyo.
281
00:22:42,400 --> 00:22:44,760
"Binibini" pa rin ang tawag niya
sa kanang-kamay niya
282
00:22:45,800 --> 00:22:47,360
kahit pa nakikitulog siya sa bahay nito.
283
00:22:49,880 --> 00:22:51,960
Magkaklase kami noon.
284
00:22:54,440 --> 00:22:55,720
E di kilala mo rin ang nanay ko?
285
00:23:03,760 --> 00:23:05,400
Paano ka nakapunta rito?
286
00:23:05,480 --> 00:23:06,640
Nag-taksi ako.
287
00:23:07,640 --> 00:23:08,560
Tinawagan kita.
288
00:23:11,800 --> 00:23:14,040
Alam mong grounded ka na
buong buhay mo, 'di ba?
289
00:23:14,120 --> 00:23:15,000
Pwede bang kalahati lang?
290
00:23:18,760 --> 00:23:21,120
Naroon sa labas ang kotse. Susunod ako.
291
00:23:22,400 --> 00:23:23,240
Paalam, Klara.
292
00:23:28,720 --> 00:23:32,240
-Huminahon ka, wala akong sinabi sa kanya.
-Hindi siya tanga.
293
00:23:32,320 --> 00:23:34,120
-Sigurado ako riyan,
-Ano ang itinanong niya sa'yo?
294
00:23:35,160 --> 00:23:37,840
-Kung paano tayo nagkakilala.
-Putang ina.
295
00:23:37,920 --> 00:23:40,960
Diyos ko naman! Huminahon ka,
wala akong sinabi sa kanya.
296
00:23:43,200 --> 00:23:44,800
Aalis na rin naman ako.
297
00:23:45,560 --> 00:23:46,920
-Hindi pwede.
-Pwede.
298
00:23:48,600 --> 00:23:51,160
Hayaan na nating ganito
ang mga bagay-bagay.
299
00:23:52,040 --> 00:23:55,800
Isa lang ang hiling ko. Dalhin mo siya
kung saang ligtas, malayo sa Biskupin.
300
00:23:57,120 --> 00:23:58,920
Hindi ka pa rin talaga nagbabago.
301
00:23:59,000 --> 00:24:00,480
Pupunta ka rito, gagawa ng gulo,
302
00:24:00,560 --> 00:24:02,680
at aalis kapag nagkagipitan na.
303
00:24:02,760 --> 00:24:05,600
-Hindi ko sinasadya.
-Pero nagawa na ang pinsala. Sandali!
304
00:24:08,360 --> 00:24:10,240
Baka naman pwede nating pag-usapan?
305
00:24:10,920 --> 00:24:13,280
Ano ang kailangan pag-usapan, ha?
306
00:24:13,360 --> 00:24:18,200
Wala namang pag-uusapan. Tama ka. Hindi…
307
00:24:18,280 --> 00:24:20,400
Hindi pa ako handa para dito.
308
00:24:22,040 --> 00:24:24,840
PASUGALAN
309
00:24:25,520 --> 00:24:26,600
At ano ang sasabihin ko sa kanya?
310
00:24:31,600 --> 00:24:33,480
Isa kang pulitiko.
311
00:24:33,560 --> 00:24:35,040
May maiisip kang dahilan.
312
00:25:11,800 --> 00:25:13,800
Tingnan ninyo! Mayroong baka!
313
00:25:13,880 --> 00:25:14,800
Ano ba ang pinagsasasabi mo?
314
00:25:14,880 --> 00:25:17,360
-Totoo, isang baka!
-Putang ina!
315
00:25:17,440 --> 00:25:20,440
Mayroong baka! Tingnan ninyo!
316
00:25:31,000 --> 00:25:33,520
Hoy, ganda, may barya ka ba riyan?
317
00:25:42,480 --> 00:25:43,360
Trema?
318
00:25:46,680 --> 00:25:48,640
Ano ba, Trema?
'Di mo na nakikilala ang mga kaibigan mo?
319
00:25:49,680 --> 00:25:51,520
Ako ito, si Goma.
320
00:25:53,000 --> 00:25:55,240
Hindi kita kilala. Lubayan mo ako.
321
00:26:34,360 --> 00:26:36,800
Paumanhin! Nasaan na ang mga tren?
322
00:26:37,480 --> 00:26:38,720
Itinigil ang operasyon.
323
00:26:38,800 --> 00:26:41,760
Binaha na ang mga riles
sa pagitan ng Opole at Wroclaw.
324
00:27:31,760 --> 00:27:33,120
Salamat!
325
00:27:33,200 --> 00:27:35,280
-Pakihintay ako rito, salamat.
-Sige.
326
00:27:35,360 --> 00:27:39,880
BIYERNES, IKA-11 NG HULYO 1997, KĘTY
327
00:29:49,760 --> 00:29:51,640
RILES NG ESTADO NG ALEMANYA
PUNONG-HIMPILAN SA WROCLAW
328
00:29:57,240 --> 00:29:58,560
Paumanhin…
329
00:29:59,440 --> 00:30:00,280
Paumanhin!
330
00:30:02,680 --> 00:30:04,720
May hinahanap akong Beata Kozarowicz,
331
00:30:04,800 --> 00:30:06,720
ang nars sa ward
ng kagawaran ng kardyolohiya,
332
00:30:07,400 --> 00:30:10,080
Kailangan ko siyang makausap
tungkol sa mahalagang bagay.
333
00:30:11,120 --> 00:30:12,280
Pakiusap.
334
00:30:18,280 --> 00:30:19,560
Sino ang sasabihin kong
naghahanap sa kanya?
335
00:30:20,800 --> 00:30:21,640
Jaśmina.
336
00:30:33,560 --> 00:30:35,560
-Jaśka!
-Beti!
337
00:30:36,080 --> 00:30:37,560
Buhay ka.
338
00:30:38,240 --> 00:30:40,360
Mukha nga.
339
00:30:40,440 --> 00:30:43,440
-Kumusta ka na?
-Ako? Ayos lang ako.
340
00:30:43,520 --> 00:30:45,880
-At ikaw?
-Ayos lang.
341
00:30:47,640 --> 00:30:51,120
Makinig ka. May lalaking namamalagi
sa ward mo. Rębacz.
342
00:30:51,200 --> 00:30:54,280
Kailangan… ko siyang makausap.
343
00:30:54,360 --> 00:30:56,800
-Alam mong kamag-anak lang ang pwede.
-Alam ko, Beti.
344
00:30:56,880 --> 00:31:00,600
Pero mahalaga talaga ito. Napakahalaga.
345
00:31:11,240 --> 00:31:12,120
G. Rębacz?
346
00:31:15,880 --> 00:31:16,920
Nagising ko ba kayo?
347
00:31:19,720 --> 00:31:23,440
Mam, lagpas alas-diyes na
sa araw ng Biyernes.
348
00:31:26,000 --> 00:31:29,960
Ako si Jaśmina Tremer, isang hydrologist
ng Akdemya ng Agham ng Polonya.
349
00:31:30,040 --> 00:31:32,280
Nakapunta ako sa inyong bahay sa Kęty.
350
00:31:32,360 --> 00:31:34,160
Pinapasok ako ng anak ninyo.
351
00:31:35,360 --> 00:31:36,280
Para saan.
352
00:31:39,000 --> 00:31:41,240
Nagtatrabaho ako
para sa Punong-Himpilan ng Sakuna.
353
00:31:41,320 --> 00:31:44,320
Pinag-aaralan namin ang mga antas ng tubig
sa ilalim ng lupa malapit sa Wroclaw.
354
00:31:44,400 --> 00:31:47,200
Mayroong flyover na kalapit
ng bahay ninyo.
355
00:31:47,280 --> 00:31:51,200
Ang mga tren mula Wroclaw papuntang Opole
ay doon dumaraan noon, tama?
356
00:31:52,440 --> 00:31:55,640
Oo, bago mag-1903.
357
00:31:56,520 --> 00:31:58,800
Nakita ko rin ang imbakan ng tubig
malapit sa bahay ninyo.
358
00:31:59,880 --> 00:32:02,160
Mayroon ding kreyn ng tubig.
359
00:32:03,280 --> 00:32:04,520
Kreyn ng tubig?
360
00:32:05,120 --> 00:32:06,720
Noong panahon ng mga Aleman,
361
00:32:06,800 --> 00:32:08,800
ang bahay ay pag-aari ng kompanya ng tren.
362
00:32:09,960 --> 00:32:11,360
Doon inilunsad ang mga makinang de-singaw.
363
00:32:13,200 --> 00:32:15,240
Bale mayroon doong sahig ng ilog noon.
364
00:32:15,320 --> 00:32:16,920
Nakita ko ang stream gauge.
365
00:32:18,120 --> 00:32:20,000
Bakit kailangan mong alamin
ang lahat ng ito?
366
00:32:22,320 --> 00:32:23,280
Patawad.
367
00:32:24,200 --> 00:32:26,520
Salamat. Malaki ang naitulong ninyo.
368
00:32:46,000 --> 00:32:46,840
Hindi ka pa umaalis.
369
00:32:48,720 --> 00:32:49,800
Hindi pa nga.
370
00:32:50,600 --> 00:32:51,600
Ano iyon?
371
00:32:52,720 --> 00:32:55,400
Sa Kęty, sinusubukan ng ilog
na bumalik sa dati nitong sahig.
372
00:32:55,480 --> 00:32:57,160
-Dumaraan ito sa lupa.
-At?
373
00:32:58,880 --> 00:33:00,240
Kailangan ninyong pasabugin
ang mga sabal doon.
374
00:33:01,840 --> 00:33:03,720
Sa Kęty? Nasisiraan ka na ba?
375
00:33:03,800 --> 00:33:05,280
May mga taong nakatira doon.
Hindi ba pwedeng sa ibang lugar?
376
00:33:05,360 --> 00:33:07,080
Hindi, hindi pwede sa ibang lugar.
377
00:33:07,160 --> 00:33:08,840
Iyon ang huling kurba ng Oder
bago ito dumaloy papuntang Wrocław.
378
00:33:09,680 --> 00:33:11,280
Paano kung mali ka na naman?
379
00:33:12,960 --> 00:33:15,080
Dati iyong kapatagang-bahaan.
380
00:33:15,160 --> 00:33:18,920
Kung pasasabugin ninyo ang mga sabal,
mababawasan ang alon, ligtas ang Wroclaw.
381
00:33:19,000 --> 00:33:20,400
Ay, Kuba!
382
00:33:21,240 --> 00:33:24,160
G. Marczak, narito ang ikalawang ministro.
Naghihintay sa silid pangkomperensiya.
383
00:33:28,400 --> 00:33:29,880
Wala nang ibang pagkakataon, Kuba.
384
00:33:36,760 --> 00:33:40,520
Pakihanda ang mga dokumentong kailangan
sa pagpapasabog ng sabal para kay Czacki.
385
00:33:42,280 --> 00:33:44,080
Kailangan niyang ihanda ang mga sundalo.
386
00:33:50,320 --> 00:33:53,160
Sasamahan mo sila.
Ideya mo, kaya ikaw ang mamamahala.
387
00:34:08,320 --> 00:34:10,200
Heto, sa rehiyong ito…
388
00:34:10,280 --> 00:34:13,000
Aba! At heto na ang ating tagapagmana.
389
00:34:13,639 --> 00:34:14,520
Kumusta.
390
00:34:16,000 --> 00:34:17,840
Aalis muna siguro…
391
00:34:17,920 --> 00:34:20,560
Oo, tama.
Kailangan naming dalawang mag-usap.
392
00:34:27,120 --> 00:34:30,280
Pambihirang gulo ang mayroon ka rito,
G. Marczak.
393
00:34:30,360 --> 00:34:32,719
Ministro, kung anuman ang sinabi
ni Propesor Nowak…
394
00:34:32,800 --> 00:34:35,920
Nabalitaan kong nagdala ka ng babae
mula sa Żuławy na nagkakalat.
395
00:34:38,239 --> 00:34:39,480
Tinutulungan niya kaming
pamahalaan ang baha.
396
00:34:39,560 --> 00:34:41,480
Kritikal ang sitwasyon.
Kailangan na nating umaksyon.
397
00:34:43,360 --> 00:34:44,840
Heto ang permisong hiningi ninyo, ser.
398
00:34:45,840 --> 00:34:47,600
Salamat, Bb. Maja.
399
00:34:47,679 --> 00:34:48,800
Ano ang permisong ito?
400
00:34:49,719 --> 00:34:52,159
Ang permiso para sa militar.
401
00:34:52,239 --> 00:34:55,440
Kailangang pasabugin ang mga sabal ng Kęty
nang sa gayon ay ligtas ang Wrcolaw.
402
00:34:55,520 --> 00:34:58,639
Siniguro na sa akin ni Propesor Nowak.
Ligtas ang Wroclaw.
403
00:34:58,719 --> 00:35:00,199
Hindi sinasabi ni Propesor Nowak
ang buong katotohanan.
404
00:35:00,800 --> 00:35:03,960
Ano ba ang pakialam mo?
Hindi ba't isa siyang eksperto?
405
00:35:04,560 --> 00:35:06,320
Oo. Tapos?
406
00:35:07,320 --> 00:35:09,720
Minsan na ninyong minadali
ang operasyon sa Domaniewo.
407
00:35:10,640 --> 00:35:11,640
Isang pagkakamali ang Domaniewo.
408
00:35:11,720 --> 00:35:14,280
Kung pasasabugin ninyo
ang mga sabal na iyon,
409
00:35:14,360 --> 00:35:16,920
matatabunan kayo ng dumi
hanggang mga tainga ninyo.
410
00:35:18,240 --> 00:35:19,560
Tama ba ako, Bb. Maja?
411
00:35:20,160 --> 00:35:21,400
Mas mabuti na iyon kaysa malunod sa tubig
ang sentro ng lungsod.
412
00:35:24,840 --> 00:35:27,640
Nakikinita ko na ang ulo ng mga balita.
"Nilunod ng awtoridad ang mga magsasaka."
413
00:35:27,720 --> 00:35:29,880
Alam mo ba kung ilan
ang mga magsasaka sa Polonya?
414
00:35:29,960 --> 00:35:32,120
Hindi mo alam.
Hayaan mong sabihin ko sa'yo.
415
00:35:32,200 --> 00:35:33,280
Lintik sa rami.
416
00:35:34,160 --> 00:35:35,920
Habang wala pa sa kalahating milyon
ang mga residente ng Wroclaw.
417
00:35:37,720 --> 00:35:40,240
E, ano ang dapat kong gawin?
Itigil ang operasyon?
418
00:35:41,360 --> 00:35:43,160
Huwag kang magpatawa.
419
00:35:43,240 --> 00:35:46,120
Ano ang magiging dating
kung hindi natin poprotektahan ang lungsod
420
00:35:46,200 --> 00:35:47,680
tatlong buwan bago ang eleksyon?
421
00:35:48,280 --> 00:35:51,200
Ministro, hindi mo maaaring makuha
ang lahat ng mga bagay na gusto mo.
422
00:35:52,080 --> 00:35:53,560
G. Marczak…
423
00:35:53,640 --> 00:35:57,560
Sa pulitika, makukuha mo ang kahit na ano.
424
00:36:00,400 --> 00:36:05,560
Mukhang ang pinakamalaking benepisyo
ng bagong Polonya ay ang malayang midya.
425
00:36:05,640 --> 00:36:09,320
Kaya kung nasa panig natin sila,
gamitin natin sila.
426
00:36:12,000 --> 00:36:14,680
Bigyan mo ng pagkakataon ang mga taong
ipaglaban kanilang mga ari-arian.
427
00:36:17,040 --> 00:36:18,080
Pero paano ang Wroclaw?
428
00:36:19,160 --> 00:36:20,320
Nasa iyo ang lagda ni Nowak, tama?
429
00:36:22,000 --> 00:36:24,480
Kung ang mga tao ng Kęty
ang magdudulot ng baha sa lungsod,
430
00:36:24,560 --> 00:36:26,160
sa kanila mabubunton ang sisi.
431
00:36:28,280 --> 00:36:30,360
Ayusin mo ang desisyon, G. Marczak.
432
00:36:46,920 --> 00:36:47,880
Ano sa palagay mo?
433
00:36:50,880 --> 00:36:52,440
Hindi iyon magandang ideya.
434
00:38:17,080 --> 00:38:20,080
…mga residente ng Kęty at ng paligid nito.
435
00:38:20,160 --> 00:38:23,240
Kinumpirma ng Punong-Himpilan ng Sakuna
436
00:38:23,320 --> 00:38:27,480
na ang mga sabal sa Kęty ay pasasabugin.
437
00:38:27,560 --> 00:38:32,520
Ang operasyong ito ang inaasahang sasalba
sa sentro ng lungsod mula sa bahang
438
00:38:32,600 --> 00:38:34,760
idudulot ng paparating na alon.
439
00:38:34,840 --> 00:38:37,600
Heto ang pinakahuling ulat-panahon…
440
00:38:37,680 --> 00:38:40,880
KAGAWARAN NG MGA
BOLUNTARYONG BUMBERO SA KĘTY
441
00:38:43,120 --> 00:38:45,960
Mga kasama, gusto raw nilang
lunurin ang Kęty ayon sa telebisyon.
442
00:38:46,040 --> 00:38:47,920
Kunin ninyo ang mga sirena
at ang mga megaphone.
443
00:38:48,000 --> 00:38:50,080
Szpak! Szpak, buksan mo ang pinto!
444
00:38:53,760 --> 00:38:55,680
Narinig ko sa telebisyon! Dalian ninyo!
445
00:39:08,640 --> 00:39:10,080
-Napanood mo?
-Sa telebisyon?
446
00:39:10,160 --> 00:39:11,800
-Oo!
-Papuntahin ninyo ang lahat sa mga sabal!
447
00:42:34,040 --> 00:42:36,640
WALANG HAYOP ANG NASAKTAN
SA PAGLIKHA NG SERYE.
448
00:42:36,720 --> 00:42:37,920
ANG SERYENG ITO'Y ARTISTIKONG PAGLALARAWAN
HANGO SA MGA TUNAY NA PANGYAYARI.
449
00:42:38,000 --> 00:42:39,360
ANG LAHAT NG MGA KARAKTER AY NILIKHA
PARA SA NATURANG KWENTO.
450
00:42:44,680 --> 00:42:48,080
Ang pagsasalin ng subtitle
ay ginawa ni Sabrina Sanchez