1
00:00:06,400 --> 00:00:09,400
ISANG SERYE MULA SA NETFLIX
2
00:00:11,920 --> 00:00:15,880
ANG SERYENG ITO'Y ARTISTIKONG PAGLALARAWAN
HANGO SA MGA TUNAY NA PANGYAYARI.
3
00:00:15,960 --> 00:00:20,040
ANG LAHAT NG MGA KARAKTER AY NILIKHA
PARA SA NATURANG KWENTO.
4
00:00:21,200 --> 00:00:22,760
IKA-25 NG MAYO 1997, WROCLAW
5
00:00:22,840 --> 00:00:28,320
Ito ang alkalde, at ang lungsod natin
ay bibisitahin ni Papa San Juan Pablo II,
6
00:00:28,400 --> 00:00:31,400
at pinupuno ako nito ng kagalakan.
7
00:00:31,480 --> 00:00:32,920
Sang-ayon ako.
8
00:00:33,000 --> 00:00:37,920
Alkalde, alam ba natin kung kailan
ang mismong araw ng pagbisita?
9
00:00:38,000 --> 00:00:41,160
Gusto nating salubungin ang Santo Papa
sa pinakakakaibang paraan.
10
00:00:41,240 --> 00:00:44,280
Sana ay gumanda ang panahon
11
00:00:44,360 --> 00:00:46,840
nang sa gayon ay magawa natin ito.
12
00:00:46,920 --> 00:00:50,440
Mahigit isang taon na nating
pinaghandaan ang pagbisitang ito.
13
00:00:50,520 --> 00:00:54,160
Sa makatuwid, umaasa akong isa itong
malaking selebrasyon para sa lungsod.
14
00:00:54,680 --> 00:00:56,040
Ipanalangin natin, Alkalde.
15
00:00:56,120 --> 00:00:57,480
Salamat.
16
00:00:57,560 --> 00:00:58,920
APURAHAN: ANALISIS NG PAGBAHA
SA WROCLAW AT TIMOG-KANLURANG POLAND
17
00:00:59,000 --> 00:01:00,280
BASE SA METEOROLOHIKONG PAGSUSURI
NI J. TREMER, M. SC.
18
00:01:25,560 --> 00:01:27,880
…ito ang daang tatahakin
ng sasakyan ng Santo Papa.
19
00:01:27,960 --> 00:01:32,040
Mga kalalakihan, 1,200 pulis,
mga sundalo, depensang sibil…
20
00:01:32,120 --> 00:01:34,360
Sapat na siguro iyon para sa Santo Papa.
21
00:01:34,440 --> 00:01:36,240
Isa pa…
22
00:01:37,440 --> 00:01:38,920
Paumanhin, pwede ko bang ituloy?
23
00:01:39,920 --> 00:01:41,560
Pakiusap, ituloy mo, Koronel.
24
00:01:41,640 --> 00:01:45,640
Salamat, Gobernador.
25
00:01:45,720 --> 00:01:48,200
Ang mga special ops na nakadamit sibilyan
ay hahalo sa mga tao.
26
00:01:48,280 --> 00:01:52,120
-Tama ba, Hepe Talarek?
-Oo. Ipadadala namin ang pinakamahuhusay.
27
00:01:52,200 --> 00:01:54,640
Mayroon lang isang problema.
28
00:01:55,240 --> 00:01:58,120
Makitid ang kalsada rito
sa may Szczytnicki Weir.
29
00:01:58,640 --> 00:02:00,560
May mga pagsasaayos sa bangko ng ilog.
30
00:02:00,640 --> 00:02:03,560
Kakailanganin naming isara
ang bahaging ito para sa mga mag-uusisa.
31
00:02:03,640 --> 00:02:05,080
E di iyon ang gawin natin.
32
00:02:05,160 --> 00:02:09,120
Napag-uusapan na rin naman ang Weir,
handa ba tayo sa baha?
33
00:02:09,200 --> 00:02:10,640
Anong baha?
34
00:02:10,720 --> 00:02:12,680
Hindi naman umuulan. Tagtuyot nga.
35
00:02:12,760 --> 00:02:14,240
Sino'ng nagsulat niyan?
36
00:02:15,720 --> 00:02:16,720
"Tremer"?
37
00:02:17,760 --> 00:02:19,160
Sino ang lalaking ito?
38
00:02:28,840 --> 00:02:32,360
ANIM NA LINGGO ANG LUMIPAS
39
00:02:36,000 --> 00:02:39,800
MARTES, IKAWALO NG HULYO 1997,
LATIAN NG ZULAWY
40
00:03:17,320 --> 00:03:19,440
Moja!
41
00:03:43,440 --> 00:03:45,000
Putang ina!
42
00:03:57,200 --> 00:03:59,120
Atras…
43
00:04:06,120 --> 00:04:07,360
Atras.
44
00:04:07,440 --> 00:04:11,200
Ibang klase ang paningin mo!
45
00:04:11,280 --> 00:04:13,000
Maganda ang isang iyan, ano?
46
00:04:14,000 --> 00:04:16,920
Bakit masyado kang apektado, binibini?
Kailangan silang barilin.
47
00:04:17,520 --> 00:04:18,880
Barilin mo ang sarili mong bayag.
48
00:04:18,960 --> 00:04:20,360
Ano'ng sinabi mo?
49
00:04:20,440 --> 00:04:24,839
-Kasama niya ang anak niya. Magbabayad ka.
-Sira-ulo ka! Puta…
50
00:04:24,920 --> 00:04:26,800
Sira-ulo talaga ako.
Akin na ang mga papeles mo!
51
00:04:26,880 --> 00:04:30,040
-Anong papeles?
-Ang identipikasyon mo bilang mangangaso.
52
00:04:30,120 --> 00:04:31,720
Anong identipikasyon?!
53
00:04:31,800 --> 00:04:34,000
-Huwag mo akong hawakan…
-Ang identipikasyong ito!
54
00:04:34,640 --> 00:04:37,120
Halina kayo! Moja, Rascal!
55
00:04:38,440 --> 00:04:39,480
Rascal!
56
00:04:50,040 --> 00:04:52,360
Ay! Dala ko na ang mga pahayagan.
57
00:04:52,440 --> 00:04:54,480
Naiinis na ako sa motor na ito…
58
00:04:54,560 --> 00:04:56,360
Kailangan nang itapon.
59
00:04:59,080 --> 00:05:00,480
Kumusta?
60
00:05:27,360 --> 00:05:29,240
Kailangan nating pumunta sa bayan ngayon.
61
00:05:29,320 --> 00:05:30,760
Paubos na ang methadone ko.
62
00:05:33,560 --> 00:05:35,920
Bakit umiinom ka pa rin no'n?
63
00:05:36,000 --> 00:05:37,160
SAKUNA: POLAND, DARANASIN
ANG BAHA NG MILENYO?
64
00:05:37,240 --> 00:05:38,600
Hindi mo na iyon kailangan.
65
00:05:39,320 --> 00:05:40,880
Tigilan mo na, pwede?
66
00:05:40,960 --> 00:05:43,840
Hindi mo ako dapat pinilit na inumin iyon.
67
00:05:43,920 --> 00:05:46,200
Iyon ang pinakamagandang bagay
na nagawa ko.
68
00:05:49,040 --> 00:05:51,040
Isa pa, hindi mo gugustuhing
69
00:05:51,120 --> 00:05:53,760
maging kasing sungit ako ng nanay ko.
70
00:05:55,400 --> 00:05:57,640
Kung mas masungit siya sa'yo,
71
00:05:57,720 --> 00:05:59,400
mabuti nang hindi ko siya nakilala.
72
00:06:01,200 --> 00:06:02,040
Ganyan din sa'yo!
73
00:06:34,760 --> 00:06:36,920
Napakaraming usok.
74
00:06:37,000 --> 00:06:39,640
E ang home smoker mo?
Ang lansa nang buong Żuławy!
75
00:06:47,080 --> 00:06:48,480
Sino ito?
76
00:06:48,560 --> 00:06:51,800
Isang tangang bumaril ng usa.
77
00:06:51,880 --> 00:06:53,720
Kasama nito ang supling niya.
78
00:06:56,040 --> 00:06:58,440
-Kaya ba galit na galit ka?
-Oo.
79
00:07:07,480 --> 00:07:11,200
Bakit hindi tayo gumawa ng supling ngayon?
80
00:07:18,800 --> 00:07:20,720
Hindi pa ako naliligo.
81
00:07:24,360 --> 00:07:26,320
Kaya nga ako naaakit sa'yo.
82
00:08:28,000 --> 00:08:29,240
Pangalan at apelyido!
83
00:08:30,280 --> 00:08:31,720
Pangalan at apelyido.
84
00:08:31,800 --> 00:08:34,160
Van Hoek. Arjen Van Hoek!
85
00:08:34,800 --> 00:08:35,840
Van Hoek?
86
00:08:35,920 --> 00:08:37,159
Tremer! Isang lalaking
nagngangalang Tremer ang hinahanap ko!
87
00:08:40,280 --> 00:08:41,480
Ako iyon!
88
00:08:42,080 --> 00:08:43,679
Ako si Tremer!
89
00:08:44,400 --> 00:08:45,559
-Ikaw?
-Oo!
90
00:08:45,640 --> 00:08:47,559
Kung gayon, kailangan mong
sumama sa amin, mam.
91
00:08:47,640 --> 00:08:50,080
-Sasama ka sa kanila?
-Huminahon ka, Arjen.
92
00:08:50,600 --> 00:08:52,280
Ano ang ginagawa mo?
93
00:08:52,360 --> 00:08:54,200
Kailangan ko silang tulungan.
94
00:08:54,280 --> 00:08:58,280
Hindi mo kailangang magalit, Van Hoek.
Bago mo mamalayan, narito na ang binibini.
95
00:08:58,360 --> 00:08:59,320
Halika na!
96
00:09:39,080 --> 00:09:42,320
Nakita ko ang home smoker ni Van Hoek.
97
00:09:44,000 --> 00:09:46,600
Saan niya natutunang gumamit noon?
Hindi sa bansa niya, tama?
98
00:09:47,520 --> 00:09:50,320
-Paano mo nasabi?
-Walang gubat doon.
99
00:09:50,400 --> 00:09:53,160
Ibig kong sabihin…
walang kahoy para sigaan.
100
00:09:59,280 --> 00:10:01,080
Takot ka bang lumipad?
101
00:10:01,800 --> 00:10:03,640
Hindi nakakatakot ang mismong paglipad.
102
00:10:03,720 --> 00:10:06,960
Ang paglapag…
Ang paglapag ang nakakatakot.
103
00:10:07,720 --> 00:10:08,920
Tama ka riyan.
104
00:10:25,560 --> 00:10:27,320
Tenyente-Koronel Macioszek,
ang kanang-kamay ko.
105
00:10:27,400 --> 00:10:28,280
-Kumusta.
-Kumusta.
106
00:10:28,360 --> 00:10:30,120
Sige na, sumakay ka na. Pakiusap.
107
00:10:30,720 --> 00:10:31,800
Doon ka maupo sa likod.
108
00:10:40,080 --> 00:10:43,200
-Sasaklolo ba sila sa mga binaha?
-Hindi. Parte ito ng pagsasanay ng NATO.
109
00:10:43,280 --> 00:10:46,520
-At ang mga sako ng buhangin?
-Pangpatibay ng mga lumbak.
110
00:11:02,480 --> 00:11:03,800
Mula sa Santo Papa.
111
00:11:05,160 --> 00:11:07,840
Bumisita siya rito
noong unang linggo ng Hunyo.
112
00:11:08,880 --> 00:11:11,600
Hindi ka maniniwala kung gaano siya
mapagpakumbaba, mam.
113
00:11:12,640 --> 00:11:14,120
Napakalakas ng ulan noon,
hindi ba, Macioszek?
114
00:11:14,760 --> 00:11:15,960
Oo, ser!
115
00:11:16,040 --> 00:11:18,680
Nakatayo lang siya roon,
suot ang sombrerong… may palawit,
116
00:11:18,760 --> 00:11:21,760
nakikinig sa brass band namin,
hindi nagrereklamo, mam,
117
00:11:21,840 --> 00:11:23,840
at ayaw makasakit ng damdamin.
118
00:11:25,800 --> 00:11:27,560
Mananampalataya ka ba, mam?
119
00:11:27,640 --> 00:11:29,000
Hindi.
120
00:11:33,960 --> 00:11:37,040
-Matagal ka ring nawala, ano?
-Oo.
121
00:11:37,120 --> 00:11:39,040
Naku, may mga pagbabago.
Malalaking pagbabago.
122
00:11:48,920 --> 00:11:51,200
MAARAW NA HINAHARAP
PARA SA POLAND, JAKUB MARCZAK
123
00:12:21,000 --> 00:12:22,400
Bakit ngayon lang kayo?
Nandito na ang lahat.
124
00:12:22,480 --> 00:12:24,120
Inilibot ko si Bb. Tremer sa lungsod.
125
00:12:24,200 --> 00:12:26,640
Wala rito ang binibini para mamasyal.
126
00:12:27,800 --> 00:12:29,600
-Kumusta.
-Kumusta.
127
00:12:45,840 --> 00:12:47,680
Naiintindihan ko
ang pangangailang pangkaligtasan,
128
00:12:47,760 --> 00:12:50,160
pero sa ika-20 palapag? Pambihira naman.
129
00:12:58,160 --> 00:13:00,200
Ang punong-himpilan ninyo
ay katabi ng istasyon ng telebisyon?
130
00:13:00,280 --> 00:13:02,080
Tama. Kaya nga narito kami
sa ika-20 palapag.
131
00:13:02,160 --> 00:13:05,360
Panatilihing malapit ang mga kaibigan
at mas malapit ang mga kalaban.
132
00:13:08,520 --> 00:13:12,440
TELEBISYONG MERKURY
133
00:13:13,040 --> 00:13:14,480
Kumusta!
134
00:13:14,560 --> 00:13:16,240
Magandang araw sa lahat!
135
00:13:16,320 --> 00:13:17,840
Ito si Bb. Tremer.
136
00:13:17,920 --> 00:13:21,720
Hayaan mong ipakilala kita sa lahat.
Dr. Sławomir Góra.
137
00:13:21,800 --> 00:13:24,360
Siya ang responsable
sa Ospital ng mga Espesyalista ng Wroclaw
138
00:13:24,440 --> 00:13:25,520
Kumusta.
139
00:13:25,600 --> 00:13:28,360
Ito ang hepe ng pulisya, Andrzej Talarek.
140
00:13:30,800 --> 00:13:32,480
-At ito ang aming…
-Ay, pasensya na.
141
00:13:32,560 --> 00:13:34,760
…katulong sa punong-himpilan, Maja Kruk.
142
00:13:34,840 --> 00:13:36,800
-Kumusta.
-Maupo ka, pakiusap.
143
00:13:36,880 --> 00:13:37,760
Sige.
144
00:13:37,840 --> 00:13:41,360
Nakilala mo na si Koronel Czacki
and Tenyente-Koronel Macioszek.
145
00:13:41,960 --> 00:13:44,120
Ito ang aming mga eksperto sa hydrology.
146
00:13:44,200 --> 00:13:45,360
Propesor Jan Nowak.
147
00:13:45,440 --> 00:13:48,160
Ako ang puno ng Kagawaran
ng Hydrogeology ng Ibabang Silesia
148
00:13:48,240 --> 00:13:49,720
Ito si Dr. Piepka.
149
00:13:51,600 --> 00:13:55,080
Hindi ko gustong istorbohin ka.
150
00:13:55,160 --> 00:13:56,840
Kinakaya naman namin dito.
151
00:13:56,920 --> 00:13:59,520
-'Di namin kailangan ng anumang suporta.
-Tama…
152
00:13:59,600 --> 00:14:02,760
Narinig mo na ba ang tungkol sa
pinakahuling pag-aaral ni Propesor Nowak?
153
00:14:02,840 --> 00:14:04,480
"Mga alluvial fan at ang regulasyon
ng mga ilog sa pagpigil ng baha
154
00:14:04,560 --> 00:14:05,680
sa kanilang ibabang kurso."
155
00:14:05,760 --> 00:14:08,960
Isang napakahalagang akda
pagdating sa pagpigil ng pagbaha.
156
00:14:09,640 --> 00:14:12,160
Pero ang Wroclaw
ay nasa gitnang kurso ng ilog, tama?
157
00:14:13,560 --> 00:14:17,920
Ang hepe ng mga bumbero
na si Kolski ay sasamahan tayo mamaya.
158
00:14:18,000 --> 00:14:20,120
At hinihintay natin ang alkalde.
159
00:14:20,200 --> 00:14:22,240
-At ikaw, G. Marczak?
-Ano iyon?
160
00:14:22,320 --> 00:14:23,240
Ano ang papel mo rito?
161
00:14:26,960 --> 00:14:28,320
Ako ang pansamantalang
gobernador ng probinsya.
162
00:14:28,400 --> 00:14:29,760
Nasaan na ang totoong gobernador?
163
00:14:30,680 --> 00:14:33,600
Pumunta sa Estados Unidos para asikasuhin
ang mga kontrata para sa probinsya.
164
00:14:33,680 --> 00:14:36,200
Aba. Sakto ang tiyempo.
165
00:14:36,280 --> 00:14:38,760
Sa Utrecht ka nagtapos, hindi ba?
166
00:14:38,840 --> 00:14:41,040
Ph.D.?
167
00:14:41,120 --> 00:14:44,000
Wala ka sigurong Ph.D., ano?
168
00:14:44,080 --> 00:14:45,640
Dahil mukhang napakabata mo pa.
169
00:14:46,760 --> 00:14:48,080
Tama ka.
170
00:14:48,160 --> 00:14:50,600
Mas gusto ko ang aksyon
kaysa teoretikal na pananaliksik.
171
00:14:50,680 --> 00:14:51,880
At bakit sa Netherlands?
172
00:14:53,360 --> 00:14:55,360
Ano ang hindi mo gusto sa Poland?
173
00:14:56,520 --> 00:14:57,760
Walang coffeeshop.
174
00:14:58,440 --> 00:15:00,640
-Ano?
-Walang mga coffeeshop!
175
00:15:00,720 --> 00:15:02,240
Magandang hapon!
176
00:15:02,880 --> 00:15:04,840
Pasensya na't huli ako.
177
00:15:04,920 --> 00:15:08,240
"Wala namang perpekto."
178
00:15:09,800 --> 00:15:11,680
Alkalde, ito si Bb. Tremer.
179
00:15:12,320 --> 00:15:15,600
A! Inatake ako sa puso
sa ipinadala mong mensahe sa fax.
180
00:15:15,680 --> 00:15:17,840
Kumukuha lang ako ng mga konklusyon
mula sa iba't ibang reperensiya.
181
00:15:18,840 --> 00:15:20,240
Maraming naikwento si G. Marczak sa akin
tungkol sa iyo.
182
00:15:20,320 --> 00:15:22,040
Wala siyang tigil sa pagpuri sa akin, ano?
183
00:15:23,280 --> 00:15:24,640
Oo, mismo.
184
00:15:24,720 --> 00:15:27,040
Sige, simulan na natin.
Nauubusan na tayo nang oras.
185
00:15:27,120 --> 00:15:29,920
Propesor, mayroon ba tayong
mga bagong datos?
186
00:15:30,000 --> 00:15:34,160
Base sa aking kalkulasyon,
makatutulog ng mahimbing ang Wroclaw.
187
00:15:35,120 --> 00:15:37,040
Kagabi, binaha ang Klodzko.
188
00:15:38,240 --> 00:15:40,440
Binabaha ang Klodzko isang beses
kada sampung taon.
189
00:15:40,520 --> 00:15:43,920
-Walang kakaiba doon.
-Galing pa rin ang tubig sa Wroclaw.
190
00:15:44,000 --> 00:15:46,680
-Ang Koldzko ay hindi Wroclaw.
-Mas malala sa Wroclaw.
191
00:15:46,760 --> 00:15:47,600
Bakit?
192
00:15:49,400 --> 00:15:51,240
Ang pagbaha sa Klodzko
ay dulot ng malakas na pag-ulan.
193
00:15:51,320 --> 00:15:55,000
Marahas na pinapasok ng tubig ang lungsod,
pero lumalabas din ito agad.
194
00:15:55,080 --> 00:15:56,880
Sa Wroclaw, kapag umapaw na
ang bangko ng ilog,
195
00:15:56,960 --> 00:15:59,040
mananatili ang tubig dito.
Hindi iyon lalabas. Walang pupuntahan.
196
00:15:59,120 --> 00:16:01,600
Pero hindi magkakaroon
ng pag-apaw sa Wroclaw.
197
00:16:02,280 --> 00:16:03,760
Alam ba natin ang antas ng tubig ngayon?
198
00:16:03,840 --> 00:16:06,840
Oo. Bahagyang lumampas sa antas ng alarma.
199
00:16:06,920 --> 00:16:10,320
Hindi bahagya.
Lampas ito ng ilang sentimetro.
200
00:16:10,880 --> 00:16:11,960
Ilang sentimetro mismo?
201
00:16:12,040 --> 00:16:13,200
Bahagya.
202
00:16:17,520 --> 00:16:20,000
Mga ginoo, sabihin ninyo…
Ang protokol n'yo sa pamamahala ng baha…
203
00:16:20,080 --> 00:16:23,160
Nasaang punto na tayo?
204
00:16:23,240 --> 00:16:26,080
Hayaan mong ipaliwanag ko.
Nasa unang punto tayo.
205
00:16:26,160 --> 00:16:28,760
Inangat namin ang mga lock
at sinaid ang mga dam.
206
00:16:28,840 --> 00:16:30,760
Sa ngayon, nagpapakawala kami ng tubig
sa Gierżoniów.
207
00:16:33,400 --> 00:16:35,800
At ito ang pinal ninyong solusyon
sa pagbaha, tama?
208
00:16:36,840 --> 00:16:40,320
Ang protokol ay inihanda
ni Propesor Teuffel, kilala sa hydrology.
209
00:16:40,400 --> 00:16:43,520
Ayos. Pero ito ay mula pa dekada '60.
210
00:16:44,160 --> 00:16:45,440
Minamaliit mo ang lahat ipinakikita namin.
211
00:16:46,440 --> 00:16:47,880
Huminahon ang lahat, pakiusap!
212
00:16:47,960 --> 00:16:52,080
Iisa lang ang gusto nating lahat, tama?
Ang kaligtasan ng ating lungsod.
213
00:16:52,160 --> 00:16:56,000
Hindi magkasundo ang mga ginoo
sa kung paano tatama ang baha sa Wroclaw.
214
00:16:56,080 --> 00:16:59,240
Kaya ka nga inimbitahan
para ikonsulta ito sa iyo.
215
00:16:59,320 --> 00:17:01,640
Tatama ito nang matindi, Alkalde.
216
00:17:01,720 --> 00:17:04,160
Maaari mo ba akong bigyan
ng tumpak na sagot?
217
00:17:04,760 --> 00:17:06,880
Aling mga ospital ang nasa panganib?
218
00:17:08,000 --> 00:17:10,680
Hindi kita mabibigyan ng tumpak na sagot
dahil wala pa akong naihahandang modelo.
219
00:17:10,760 --> 00:17:13,640
Sa oras na maihanda ko ito,
sasagutin ko ang mga katanungan mo.
220
00:17:14,680 --> 00:17:17,920
Kaya ba ng iyong modelong
alisin ang lahat ng duda?
221
00:17:18,800 --> 00:17:20,640
Isang makapangyarihang puwersa
ang kinahaharap natin.
222
00:17:20,720 --> 00:17:23,839
Hindi pwede ang malalabong sagot.
Hindi ngayon, hindi sa hinaharap.
223
00:17:23,920 --> 00:17:25,359
Katunayan, wala tayong masyadong alam
tungkol sa Ilog Oder.
224
00:17:25,440 --> 00:17:27,040
Limampung taon pa lang
mula nang mapasaatin ito, tama?
225
00:17:27,119 --> 00:17:29,280
Kung gayon,
wala kang maibibigay na kasagutan?
226
00:17:29,359 --> 00:17:30,839
Tama ba ang pagkakaintindi ko?
227
00:17:30,920 --> 00:17:34,160
Bibigyan ko kayo ng sagot.
Higit sa isa, at hindi malabo.
228
00:17:34,680 --> 00:17:38,080
Sige. Pero kailangan pa rin namin
ang modelong ito mula sa'yo, Bb. Tremer.
229
00:17:38,160 --> 00:17:40,560
Walang problema.
Kailangan ko ang mga datos ninyo.
230
00:17:40,640 --> 00:17:42,640
Kailangan kong malaman
ang kapasidad ng daloy ng ilalim ng ilog.
231
00:17:42,720 --> 00:17:44,000
Kailangan ko ang bilis ng Oder dito
at ng itaas nitong kurso.
232
00:17:44,080 --> 00:17:47,040
Higit sa lahat, kailangan ko
ang mga pinakabagong mapa.
233
00:17:47,120 --> 00:17:49,720
Gamit ang mga iyon, ang modelo
ay magiging tumpak. Tumpak na tumpak.
234
00:17:49,800 --> 00:17:51,160
Salamat.
235
00:17:51,240 --> 00:17:53,280
-Ibibigay natin ang mga datos, tama?
-Oo, ser.
236
00:17:53,360 --> 00:17:54,880
May mga bagay pa rin
na ako mismo ang susukat.
237
00:17:54,960 --> 00:17:57,720
Paumanhin, pero paano
ang imbakan sa Gierżoniów?
238
00:17:57,800 --> 00:17:59,960
-Ano'ng problema?
-Kailangang pakawalan ang tubig.
239
00:18:00,560 --> 00:18:02,360
Paanong gano'n?
Nagpapakawala na dapat ng tubig ngayon.
240
00:18:02,440 --> 00:18:06,000
Oo, pero ang tagapamahala ng imbakan ay…
Siya ay medyo makupad.
241
00:18:06,080 --> 00:18:08,840
Hindi niya pinapasok ang mga tauhan ko.
242
00:18:08,920 --> 00:18:11,280
Ako na ang bahala doon, Alkalde.
243
00:18:12,760 --> 00:18:14,040
Paalam!
244
00:18:14,600 --> 00:18:17,720
KAGAWARAN NG BUMBERO
245
00:18:17,800 --> 00:18:20,120
Mga ginoo, alam na natin
kung ano ang dapat nating gawin.
246
00:18:21,360 --> 00:18:23,160
-Magkita tayo bukas.
-Paalam.
247
00:18:47,600 --> 00:18:49,320
Ang sama ng araw na ito, ano?
248
00:18:52,200 --> 00:18:53,600
Tulad rin ng ibang araw.
249
00:18:58,040 --> 00:19:01,200
Kumusta. Ako si Ewa Rudzik,
tagapagbalita sa Merkury TV.
250
00:19:02,080 --> 00:19:03,680
Jaśmina Tremer.
251
00:19:03,760 --> 00:19:05,960
Ikaw ang bagong hydrologist ni Marczak?
252
00:19:06,040 --> 00:19:07,040
Tama?
253
00:19:07,640 --> 00:19:08,680
Nakikiramay ako.
254
00:19:08,760 --> 00:19:10,880
Mga lalaking mapagmataas
ang makakatrabaho mo.
255
00:19:13,560 --> 00:19:14,960
Wala nang bago doon.
256
00:19:16,960 --> 00:19:19,840
Siya nga pala, alam mo ba
kung saan pwedeng manigarilyo nang payapa?
257
00:19:21,120 --> 00:19:22,200
Oo naman.
258
00:19:51,040 --> 00:19:53,080
May mga bagay
na hindi talaga nagbabago, ano?
259
00:19:55,400 --> 00:19:57,400
Ang mga bagay, hindi. Ang mga tao, minsan.
260
00:19:58,040 --> 00:20:00,040
Nakita ko ang paskil mo sa pangangampanya.
261
00:20:01,120 --> 00:20:02,960
Masyadong konserbatibo
para sa isang anarkista.
262
00:20:03,040 --> 00:20:05,240
Hindi pwedeng buong buhay kang iinom
ng mumurahing bino.
263
00:20:05,320 --> 00:20:07,440
Mas mabuting maghintay ng senyales
mula sa sentro ng komando, ano?
264
00:20:08,960 --> 00:20:11,600
Bakit mo ako dinala rito?
Mahuhusay ang mga eksperto ninyo.
265
00:20:13,720 --> 00:20:15,840
Nandito ka dahil mahusay ka
sa ginagawa mo.
266
00:20:19,240 --> 00:20:21,520
Wala nang iba pang dahilan. Kuha mo?
267
00:20:26,200 --> 00:20:27,600
Ibang tao na ako ngayon.
268
00:20:29,960 --> 00:20:31,520
Tinatanong ko lang kung naiintindihan mo.
269
00:20:39,200 --> 00:20:40,360
Ano nga ulit iyon?
270
00:20:40,440 --> 00:20:43,040
"Mga alluvial fan at ang…
271
00:20:43,120 --> 00:20:45,960
Regulasyon ng mga ilog sa pagpigil
ng baha sa kanilang ibabang kurso."
272
00:20:46,040 --> 00:20:48,400
-Isa raw napakahusay na akda.
-Oo.
273
00:20:53,280 --> 00:20:54,440
O siya, sige.
274
00:20:55,840 --> 00:20:56,760
Mauna na ako.
275
00:20:58,120 --> 00:20:59,000
Jaśka!
276
00:21:03,280 --> 00:21:04,720
Pakiusap, huwag kang gagawa ng gulo.
277
00:21:06,280 --> 00:21:07,480
Kuba…
278
00:21:44,400 --> 00:21:45,720
-Kumusta!
-Uy…
279
00:21:45,800 --> 00:21:46,840
Uy, mahal.
280
00:21:46,920 --> 00:21:48,200
Ayos ka lang ba?
281
00:21:49,560 --> 00:21:51,400
Gusto ko lang marinig ang boses mo.
282
00:21:51,480 --> 00:21:54,600
Nalulungkot ako kapag wala ka.
Kailan ka ba babalik?
283
00:21:54,680 --> 00:21:57,160
Mas matatagalan ako rito kaysa inakala ko.
284
00:21:57,240 --> 00:21:59,800
-Matatagalan ka pa?
-Oo.
285
00:22:00,960 --> 00:22:02,600
Pinakain mo ba ang mga aso?
286
00:22:02,680 --> 00:22:05,880
Oo. Nakatulog si Moja sa unan mo.
287
00:22:06,600 --> 00:22:08,080
Nami-miss na kita.
288
00:22:08,160 --> 00:22:09,680
Mahal kita.
289
00:22:10,800 --> 00:22:12,280
Mahal din kita.
290
00:23:26,120 --> 00:23:28,280
Ikaw ba ay nakalipad na
sa helikopter ng militar?
291
00:23:28,360 --> 00:23:29,960
Hindi pa.
292
00:23:30,040 --> 00:23:32,720
Gusto mo bang isakay kita?
293
00:23:32,800 --> 00:23:34,200
Siguro.
294
00:23:34,280 --> 00:23:36,480
-Iyan ang sabi ng lahat ng babae, pero--
-Magandang umaga!
295
00:23:36,560 --> 00:23:39,120
Magandang umaga.
Nakatulog ka ba nang mahimbing?
296
00:23:39,200 --> 00:23:41,480
-Sabihin na lang nating oo.
-Halika na.
297
00:23:45,080 --> 00:23:47,840
MIYERKULES, IKASIYAM NG HULYO 1997,
HILAGANG WROCLAW
298
00:23:47,920 --> 00:23:49,840
Ilang taon na ang nakalilipas,
ang mga sabal ay pinatibay.
299
00:23:49,920 --> 00:23:52,920
Mismo! Pero bakit narito pa rin
ang mga puno?
300
00:23:53,000 --> 00:23:54,920
-Narito na sila noon pa.
-Alam ko.
301
00:23:55,000 --> 00:23:56,880
-Mula pa noong bahagi tayo ng Alemanya.
-Oo.
302
00:23:56,960 --> 00:23:59,480
At isa pa, mas maganda
ang lugar dahil sa mga ito, hindi ba?
303
00:23:59,560 --> 00:24:02,040
-Mayroong lilim.
-Tama.
304
00:24:06,480 --> 00:24:08,800
-Ano ang ginagawa mo?
-Dumapa ka rin.
305
00:24:09,760 --> 00:24:11,840
Hindi iyon isang hiling. Isa iyong utos.
306
00:24:21,320 --> 00:24:22,960
Nararamdaman mo ba ang kanilang paggalaw?
307
00:24:25,240 --> 00:24:28,400
Oo. Kung tataas ang antas ng tubig
nang dalawang metro, sa bilis na ito,
308
00:24:28,480 --> 00:24:32,360
matatangay ng mga puno ang mga sabal
na tila mga kastilyong buhangin. Kuha mo?
309
00:24:54,400 --> 00:24:55,760
Kumusta!
310
00:24:55,840 --> 00:24:58,000
-Kumusta.
-Mula kami sa Tanggapan ng Probinsya.
311
00:24:58,080 --> 00:25:00,840
-Bakit ang aga ninyo?
-Handa na ang ulat mamayang gabi.
312
00:25:00,920 --> 00:25:03,160
Dalawang metro na ba kada segundo?
313
00:25:04,120 --> 00:25:05,960
1.9 doon sa gitna.
314
00:25:06,040 --> 00:25:07,240
Isang oras ang nakaraan, nasa 1.8.
315
00:25:08,400 --> 00:25:11,960
-At ang daloy ng tubig?
-Malapit na sa 2,500 metro.
316
00:25:12,480 --> 00:25:13,520
Gaano kalapit?
317
00:25:15,360 --> 00:25:16,680
Napakalapit.
318
00:26:08,280 --> 00:26:11,880
ANG ISTASYON NG TUBIG SA KĘTY
319
00:26:18,600 --> 00:26:21,920
TAGASAGIP MULA SA TUBIG
320
00:26:27,800 --> 00:26:29,400
Huminto tayo rito.
321
00:26:41,560 --> 00:26:43,320
Maaari kang dumumi
sa ilalim nang punong iyan, mam.
322
00:26:45,240 --> 00:26:46,440
Hindi ako sisilip.
323
00:26:47,400 --> 00:26:48,880
Babalik agad ako, okey?
324
00:27:01,800 --> 00:27:03,240
Paumanhin!
325
00:27:04,640 --> 00:27:05,800
Hoy!
326
00:27:12,960 --> 00:27:15,240
-Kumusta!
-Musta.
327
00:27:16,080 --> 00:27:17,320
Napakagandang bahay.
328
00:27:19,440 --> 00:27:20,720
Salamat.
329
00:27:21,640 --> 00:27:23,200
Ang pinakaluma sa lugar na ito.
330
00:27:23,280 --> 00:27:25,400
Kailan pa naging kulay dilaw
ang punong ito?
331
00:27:25,480 --> 00:27:27,520
Kailan lang. Isa yatang uri ng parasitiko.
332
00:27:28,960 --> 00:27:30,120
Mayroon ka bang silong?
333
00:27:30,720 --> 00:27:32,520
Ikaw ba ay isang inspektor ng gusali?
334
00:27:32,600 --> 00:27:34,880
Mukha ba akong inspektor?
335
00:27:34,960 --> 00:27:37,280
Isa akong hydrologist mula Wrocław.
Jaśmina Tremer.
336
00:27:37,360 --> 00:27:39,160
Binabantayan ko
ang antas ng tubig sa lupa.
337
00:27:42,960 --> 00:27:44,640
Maaari ko bang makita ang silong mo?
338
00:27:57,440 --> 00:27:58,520
Dito ka ba naninirahan?
339
00:27:58,600 --> 00:28:01,640
Hindi, ang ama ko ang nakatira dito.
Sa ibang bansa ako namamalagi.
340
00:28:03,680 --> 00:28:06,040
-Gaano katagal na rito ang iyong ama?
-Mula pa noong matapos ang digmaan.
341
00:28:06,120 --> 00:28:07,840
Maaari ko ba siyang makausap?
342
00:28:07,920 --> 00:28:09,600
-Hindi, siya ay nasa ospital.
-Ay, paumanhin…
343
00:28:09,680 --> 00:28:10,880
Bakit mo natanong?
344
00:28:10,960 --> 00:28:15,920
Dahil lang… Maaaring alam niya
ang nangyari dito noong mga nagdaang baha.
345
00:28:17,440 --> 00:28:18,960
Nandito na siya sa kamakalawang linggo.
346
00:28:21,360 --> 00:28:22,560
Heto, o.
347
00:28:45,120 --> 00:28:46,520
Basang-basa.
348
00:28:46,600 --> 00:28:47,800
Talaga?
349
00:28:52,360 --> 00:28:53,800
Tuyo rito noong nakaraang linggo.
350
00:28:54,800 --> 00:28:56,720
Kapag umuulan, talagang bumubuhos.
351
00:29:07,040 --> 00:29:08,560
Mamimingwit ba ang iyong ama?
352
00:29:09,320 --> 00:29:10,560
Hindi. Ayaw niya ng isda.
353
00:29:11,800 --> 00:29:14,120
Paumanhin, may kailangan akong tawagan,
pero doon lang sa itaas may reception.
354
00:29:14,200 --> 00:29:15,080
Walang problema.
355
00:29:17,680 --> 00:29:19,440
Isa ba itong flyover?
356
00:29:19,520 --> 00:29:20,840
Para sa mga tren.
357
00:29:20,920 --> 00:29:23,920
Ang mga tren ng Opole-Wrocław
ay diyan dumaraan bago ang digmaan.
358
00:29:29,000 --> 00:29:30,160
Paalam!
359
00:29:30,760 --> 00:29:32,000
Paalam!
360
00:29:35,720 --> 00:29:37,600
Hello, ito is Andrzej Rębacz.
361
00:29:37,680 --> 00:29:40,000
Tumawag ako para alamin
ang lagay ng ama ko.
362
00:29:41,440 --> 00:29:44,720
ANG IMBAKAN SA GIERŻONIÓW
363
00:30:01,240 --> 00:30:03,200
Paumanhin! Nasaan ang tagapamahala?
364
00:30:03,280 --> 00:30:04,560
Nandoon.
365
00:30:15,000 --> 00:30:16,400
G. Woroń!
366
00:30:16,480 --> 00:30:18,440
-Ano ang bagay na ito?
-Ay, kumusta!
367
00:30:18,520 --> 00:30:20,600
Hindi mo ba alam? Ang Golden Keel Regatta.
368
00:30:21,200 --> 00:30:23,720
Ano? Parating na ang baha!
369
00:30:23,800 --> 00:30:26,200
Sinabihan ko kayong tanggalin
ang laman ng imbakan bilang paghahanda.
370
00:30:26,280 --> 00:30:29,360
-Oo, naiintindihan ko, pero…
-Walang "pero"!
371
00:30:30,000 --> 00:30:31,440
Magpakawala na kayo ng tubig!
372
00:30:32,440 --> 00:30:34,120
At ang mga poste at ang plataporma?
373
00:30:34,200 --> 00:30:35,320
Isang linggo naming pinagtrabahuhan iyon
ng mga tauhan ko.
374
00:30:36,120 --> 00:30:37,360
-Anong mga poste?!
-Pero--
375
00:30:37,440 --> 00:30:39,160
Pinal na ang desisyon.
Nanggaling sa nakatataas.
376
00:30:40,320 --> 00:30:42,400
Sige. Sige, naiintindihan ko.
377
00:30:42,480 --> 00:30:43,640
Pinal.
378
00:30:44,760 --> 00:30:46,120
Gagawin na namin!
379
00:30:46,200 --> 00:30:47,280
Sa lalong madaling panahon.
380
00:30:47,360 --> 00:30:49,760
Sa lalong madaling panahon,
G. Woroń? Ngayon din!
381
00:30:49,840 --> 00:30:50,960
Ngayon…
382
00:30:55,080 --> 00:30:56,880
Anak ng puta.
383
00:30:56,960 --> 00:30:58,720
Sinabi ko na sa'yong makupad siya, e.
384
00:30:59,760 --> 00:31:01,440
Maaraw na ikasiyam ng Hulyo…
385
00:31:01,520 --> 00:31:03,320
Heto ang kape mo.
386
00:31:04,640 --> 00:31:05,760
Mga sandwich.
387
00:31:06,520 --> 00:31:08,720
-Magdala ka ng ilang itlog.
-Para saan ang mga itlog, Ma?
388
00:31:08,800 --> 00:31:12,400
Gagawa ka ng binating itlog
pagkatapos ng pasok mo sa gabi.
389
00:31:17,920 --> 00:31:19,560
Babalik ako sa loob ng limang minuto.
390
00:31:20,600 --> 00:31:24,640
PAMILIHAN NI BASIA
391
00:31:24,720 --> 00:31:26,280
-Paalam!
-Kumusta!
392
00:31:26,360 --> 00:31:27,920
-Uy, kumusta!
-Nariyan ka pala!
393
00:31:28,000 --> 00:31:30,080
Kumusta, Gng. Basia.
Mayroon akong listahan.
394
00:31:30,160 --> 00:31:31,400
Ay, grabe.
395
00:31:31,480 --> 00:31:33,520
May natitira ka pa bang
sourdough na tinapay?
396
00:31:33,600 --> 00:31:35,480
Nagtabi ako ng dalawa para sa'yo.
397
00:31:35,560 --> 00:31:37,240
-Ayos.
-Heto, o.
398
00:31:37,920 --> 00:31:40,320
Ano pa ba ang narito? A…
399
00:31:41,000 --> 00:31:41,840
Pâté, keso…
400
00:31:41,920 --> 00:31:43,840
-Pati itong tubig.
-Sige.
401
00:31:45,600 --> 00:31:47,200
-Gng. Basia…
-Ano iyon?
402
00:31:47,280 --> 00:31:50,040
Pwede ba akong humingi ng pabor?
Alam n'yo na…
403
00:31:52,200 --> 00:31:53,800
Tungkol sa…
404
00:31:53,880 --> 00:31:55,720
Kuba, nakikinig ako sa radyo.
405
00:31:55,800 --> 00:31:58,000
Alam kong abalang-abala ka ngayon.
406
00:31:58,080 --> 00:31:59,320
Tutulungan kita.
407
00:31:59,840 --> 00:32:03,040
-Salamat.
-Teka! May ibibigay ako sa'yo.
408
00:32:03,720 --> 00:32:05,360
Espesyal ito.
409
00:32:07,200 --> 00:32:09,240
-Kumuha ako ng isang supot.
-Sige.
410
00:32:09,320 --> 00:32:12,280
Ay, grabe! Maraming salamat, mam.
411
00:32:20,320 --> 00:32:22,720
-Kuba, ikaw ba iyan?
-Oo!
412
00:32:34,560 --> 00:32:36,840
-Hindi ko alam na darating ka ngayon.
-Mga magasin.
413
00:32:36,920 --> 00:32:39,200
At kumusta na ang pulitika?
414
00:32:40,280 --> 00:32:43,040
Ikwento mo. Libangin mo ang matandang ito.
415
00:32:43,120 --> 00:32:45,400
"Ang lahat ng mga hayop ay pantay-pantay."
Ganoon pa rin ang kwento.
416
00:32:45,480 --> 00:32:46,880
-Sigurado ka?
-Oo.
417
00:32:46,960 --> 00:32:48,000
Kuba…
418
00:32:48,960 --> 00:32:52,920
Pwede mo ba akong tulungang tumayo? Teka…
419
00:32:53,000 --> 00:32:55,320
Kailangan kong gumalaw-galaw.
420
00:32:55,400 --> 00:32:58,760
Hindi ako pinatutulog
ng mga paltos ko sa likod.
421
00:32:58,840 --> 00:33:00,200
Teka…
422
00:33:01,520 --> 00:33:03,520
Sa wakas!
423
00:33:03,600 --> 00:33:05,400
Hayaan mo na iyan, ako na riyan.
424
00:33:05,480 --> 00:33:06,840
Hindi, ayos lang.
425
00:33:06,920 --> 00:33:09,200
Kailan pupunta ang physiotherapist?
426
00:33:09,280 --> 00:33:11,480
Alam mo ba?
427
00:33:11,560 --> 00:33:14,200
Nasa bakasyon siya
hanggang katapusan ng Hulyo.
428
00:33:15,720 --> 00:33:17,720
Ano na ang mangyayari sa akin?
429
00:33:17,800 --> 00:33:19,240
Huwag kang mag-alala.
430
00:33:21,960 --> 00:33:23,240
Magiging ayos lang ang lahat.
431
00:33:24,600 --> 00:33:27,280
-Baka ilang araw akong hindi makapunta.
-O, Diyos ko…
432
00:33:28,160 --> 00:33:29,680
Abala ako sa trabaho.
433
00:33:29,760 --> 00:33:33,600
Pero nakausap ko na si Gng. Basia.
Tutulungan ka niya at siya na ang bahala.
434
00:33:33,680 --> 00:33:35,720
Ayaw ko sa kanya. Usisera siya.
435
00:33:35,800 --> 00:33:36,680
Para iyon sa kapakanan mo.
436
00:33:37,360 --> 00:33:39,280
Siya ang gagawa ng tanghalian mo
ngayong araw.
437
00:33:41,680 --> 00:33:42,880
Kailangan ko nang umalis.
438
00:33:43,880 --> 00:33:46,040
May gusto ka bang sabihin sa akin, Kuba?
439
00:33:47,760 --> 00:33:49,000
Sumagot ka!
440
00:33:50,440 --> 00:33:52,400
Wala. Wala, Bb. Lena.
441
00:33:52,480 --> 00:33:53,480
Mauna na ako. Paalam.
442
00:33:55,000 --> 00:33:56,120
Hay, naku.
443
00:33:57,360 --> 00:33:58,800
Paalam, salamat!
444
00:34:07,720 --> 00:34:11,080
Kakayanin ng mga tulay, pero hindi
ng mga sabal na may mga puno.
445
00:34:11,160 --> 00:34:12,840
Mam, kakayanin ng lahat.
446
00:34:13,600 --> 00:34:16,679
Isa pa, ang protokol ay walang punto
para sa daloy na 3,600 metro.
447
00:34:17,880 --> 00:34:19,760
Kung gayon, siguro'y dapat mong idagdag?
448
00:34:22,320 --> 00:34:23,679
Maaari bang itigil mo ang pagtipa?
449
00:34:28,800 --> 00:34:31,120
Ilang linggo ang paghahanda para diyan.
450
00:34:31,800 --> 00:34:32,760
Ilang linggo.
451
00:34:32,840 --> 00:34:34,840
Susunod ako maya-maya!
452
00:34:36,560 --> 00:34:38,800
Kumusta kayong lahat.
Pasensya na't huli ako.
453
00:34:41,080 --> 00:34:42,199
Saan ka nanggaling?
454
00:34:42,280 --> 00:34:46,800
May inasikasong mahahalagang problema,
Alkalde. Pero nandito na ako. Ayos na.
455
00:34:50,320 --> 00:34:51,360
Mayroon bang nangyari?
456
00:34:51,960 --> 00:34:53,840
Ayon kay Bb. Tremer,
ang Wroclaw ay babahain.
457
00:34:53,920 --> 00:34:55,719
Uulitin ko. Ang mga pagpapalagay na ito
ay walang katotohanan.
458
00:34:56,480 --> 00:34:58,199
Ang daloy ay hindi lalampas
sa 2,700 metro.
459
00:34:58,280 --> 00:34:59,719
Nasa 2,500 metro na ito.
460
00:34:59,800 --> 00:35:02,440
At sa dami ng tubig sa ilalim ng lupa
ng Wroclaw, naninilaw na ang mga puno.
461
00:35:02,520 --> 00:35:04,880
-Babahain ba ang himpilan ng mga pulis?
-Saan?
462
00:35:04,960 --> 00:35:06,120
Sa Podwale.
463
00:35:06,200 --> 00:35:08,720
Hindi. Ang distrito ng Psie Pola
at mga gusali sa hilaga ang nanganganib.
464
00:35:08,800 --> 00:35:11,000
-At ang sentro ng lungsod?
-Ligtas ito.
465
00:35:11,080 --> 00:35:12,560
Tama na ang kalokohang ito.
466
00:35:12,640 --> 00:35:15,520
Ang huling pagbaha sa Wrocław
ay noon pang 1903.
467
00:35:15,600 --> 00:35:18,600
Mayroong daanan ng tubig ang Wroclaw
at pinatibay na mga sabal.
468
00:35:18,680 --> 00:35:20,240
Ang modelong ito ay isang kalokohan!
469
00:35:20,320 --> 00:35:24,440
Kung gayon, bakit ninyo ako dinala rito
kung mas maalam kayo? Bakit?
470
00:35:24,520 --> 00:35:26,160
Hindi ako.
Si G. Marczak ang nagdala sa'yo.
471
00:35:26,800 --> 00:35:30,120
Kailangan bang ilikas ang mga taong
nasa ospital sa Traugutta? Paumanhin?
472
00:35:31,160 --> 00:35:34,880
G. Nowak, ang mga tao sa ospital
ng Traugutta, dapat bang ilikas o hindi?
473
00:35:34,960 --> 00:35:38,800
-Maaari bang iimprenta muna kahit papaano?
-Heto na ang kalokohan mo.
474
00:35:38,880 --> 00:35:42,320
Teka, sandali…
Pakiusap, huminahon muna ang lahat.
475
00:35:42,400 --> 00:35:44,080
Naparito tayo para sa isang
partikular na dahilan.
476
00:35:44,160 --> 00:35:46,480
Kailangan natin ng kooperasyon.
Mahalaga iyon. At ang higit na mahalaga…
477
00:35:46,560 --> 00:35:47,680
Paumanhin!
478
00:35:48,880 --> 00:35:51,720
-Ano iyon?
-May dala akong pizza.
479
00:35:51,800 --> 00:35:54,560
Diyos ko, bumili kayo ng pizza?!
480
00:35:57,120 --> 00:35:58,440
Binabati ko kayo.
481
00:35:59,080 --> 00:36:00,720
Bakit? Pepperoni ang mga ito.
482
00:36:01,360 --> 00:36:03,680
Koronel, iuwi mo na ako, pakiusap.
483
00:36:03,760 --> 00:36:06,000
Macioszek, papuntahin mo rito
ang helikopter.
484
00:36:06,080 --> 00:36:07,000
Sige, ser.
485
00:36:07,080 --> 00:36:09,720
Gumawa ka ng gulo at ngayon ay aalis ka?
486
00:36:09,800 --> 00:36:11,680
Bakit mo tinatakot ang mga tao
at kung ano-ano ang sinasabi mo?
487
00:36:11,760 --> 00:36:12,840
Jaśka!
488
00:36:12,920 --> 00:36:14,120
Jaśka!
489
00:36:21,080 --> 00:36:23,040
Salamat sa pulong na ito.
490
00:36:23,120 --> 00:36:25,440
Bumalik na tayo
sa mga kanya-kanya nating tungkulin.
491
00:36:26,600 --> 00:36:29,320
Naging malaking tulong
si Bb. Tremer sa atin.
492
00:36:34,760 --> 00:36:36,600
Ano ang gagawin mo kung ikaw ako?
493
00:36:37,240 --> 00:36:38,880
Magpapanggap na hindi ko nakita iyon.
494
00:36:39,520 --> 00:36:41,480
Hindi tungkol sa methadone
ang sinasabi ko.
495
00:36:41,560 --> 00:36:42,800
Ang baha ang ibig kong sabihin.
496
00:36:44,600 --> 00:36:48,000
Bubuksan ko ang mga sabal para lumikha
ng koridor para sa pag-apaw ng ilog.
497
00:36:48,080 --> 00:36:49,040
Ibig sabihin?
498
00:36:49,920 --> 00:36:52,720
Ibig sabihin, isang daanan sa Domaniewo.
Sakto ang bulubundukin para doon.
499
00:36:52,800 --> 00:36:54,160
Tulad ng ginawa noon.
500
00:36:54,240 --> 00:36:56,440
Pasasabugin ba natin ang mga sabal?
501
00:36:56,520 --> 00:36:58,120
Hindi ba't pinoprotektahan tayo ng mga ito
mula sa baha?
502
00:36:58,200 --> 00:37:00,840
Kuba, pinatataas nila ang antas ng tubig.
Angkop sila sa katamtamang baha.
503
00:37:00,920 --> 00:37:03,640
Hindi sila angkop sa matinding baha.
504
00:37:03,720 --> 00:37:07,320
-Iyong tatama sa Wroclaw.
-Sigurado kang makatutulong iyon?
505
00:37:07,400 --> 00:37:11,440
-Wala namang bagay na "sigurado."
-Bale, sa Domaniewo?
506
00:37:11,520 --> 00:37:12,920
Oo!
507
00:37:36,080 --> 00:37:37,360
Nasaan tayo?
508
00:37:40,400 --> 00:37:41,760
Nasaan tayo?
509
00:37:41,840 --> 00:37:43,200
Bago mag Domaniewo.
510
00:37:43,960 --> 00:37:45,600
Sigurado ka ba?
511
00:37:45,680 --> 00:37:46,800
Oo.
512
00:37:50,760 --> 00:37:52,880
Paano?
513
00:37:53,640 --> 00:37:57,040
Walang dam sa Domaniewo.
Walang mga gusali.
514
00:37:57,120 --> 00:38:00,040
Mam, sigurado ako kung nasaan tayo.
515
00:38:00,720 --> 00:38:04,280
Hinarangan ang ilog ilang taon na
para sa kapakanan ng Planta ng Latka.
516
00:38:04,960 --> 00:38:07,040
Tingnan mo, ang mga gusali sa ibaba.
517
00:38:07,120 --> 00:38:09,400
MAPANG TOPOGRAPIYA, 1967
518
00:38:11,360 --> 00:38:12,560
Putang ina.
519
00:38:14,600 --> 00:38:16,720
-Kailangan nating bumalik.
-Ano?
520
00:38:16,800 --> 00:38:18,440
Bumalik na tayo! Ngayon din!
521
00:38:36,840 --> 00:38:38,400
Ano ang ginagawa mo rito?
522
00:38:38,480 --> 00:38:39,560
Sino iyan?
523
00:38:40,480 --> 00:38:42,360
Ihinto mo muna ang pelikula. Sandali lang.
524
00:38:42,920 --> 00:38:44,560
-Mayroong problema.
-Anong problema?
525
00:38:44,640 --> 00:38:45,640
Seryosong problema.
526
00:38:49,640 --> 00:38:51,520
Ano'ng ibig mong sabihin
na luma na ang mga mapa?
527
00:38:51,600 --> 00:38:53,840
Ikaw ang magsabi sa akin.
Nagmula pa sila sa Operasyong Danube.
528
00:38:53,920 --> 00:38:55,120
Pero ano ang ibig sabihin no'n?
529
00:38:55,200 --> 00:38:57,280
Ibig sabihin, nag-iba na ang mga lugar
sa paligid ng mga ilog.
530
00:38:57,360 --> 00:39:00,880
-O, tapos?
-Tingnan mo ang mga mapang ibinigay n'yo.
531
00:39:00,960 --> 00:39:03,440
Walang dam sa Domaniewo.
532
00:39:03,520 --> 00:39:07,640
Ginawa iyon para sa Planta ng Latka,
na wala rin dito sa mapa!
533
00:39:08,160 --> 00:39:09,800
Pwede bang linawin mo?
534
00:39:09,880 --> 00:39:12,640
'Tang ina…
Walang silbi ang ginawa kong modelo!
535
00:39:12,720 --> 00:39:15,040
Walang maitutulong ang pagpapasabog
sa mga sabal sa Domaniewo.
536
00:39:16,200 --> 00:39:17,400
Putang ina.
537
00:39:18,160 --> 00:39:20,840
Ang sabi mo, iyon ang pinakamainam
at natatanging solusyon.
538
00:39:20,920 --> 00:39:22,520
Naibigay na ang mga utos.
539
00:39:23,200 --> 00:39:25,840
Kuba, mga lintik na lumang mapa
ang ibinigay ninyo sa akin!
540
00:39:25,920 --> 00:39:28,640
Ang ekspertong opinyon ko
ay angkop sa taong 1967.
541
00:39:28,720 --> 00:39:31,360
-Pa, gaanong katagal akong maghihintay?
-Klara, pumasok ka sa loob.
542
00:39:32,760 --> 00:39:34,520
-Magandang gabi.
-Pumasok ka sa loob.
543
00:39:36,840 --> 00:39:38,760
Kung kailangan mo ako,
sa Hotel ng Oder ako nanunuluyan.
544
00:39:51,000 --> 00:39:52,600
Sino ang babaeng iyon?
545
00:39:54,240 --> 00:39:56,240
Kasama ko sa trabaho. Isang hydrologist.
546
00:39:58,320 --> 00:39:59,680
Ano ang kailangan niya?
547
00:39:59,760 --> 00:40:01,520
Hindi kita masasagot ngayon, anak.
548
00:40:14,080 --> 00:40:15,160
Ser!
549
00:40:19,520 --> 00:40:22,240
Si Czacki ito. Hello?
550
00:40:22,320 --> 00:40:24,120
Koronel, hello?
551
00:40:25,400 --> 00:40:26,800
Koronel Czacki!
552
00:40:27,400 --> 00:40:28,680
Hello?
553
00:40:28,760 --> 00:40:30,080
Hello?!
554
00:40:31,080 --> 00:40:32,760
Wala akong marinig.
555
00:40:34,200 --> 00:40:37,360
Okey, Marek. Simulan na ang pagbomba.
556
00:40:39,160 --> 00:40:40,760
Pasabugin na ninyo.
557
00:43:47,520 --> 00:43:50,120
WALANG HAYOP ANG NASAKTAN
SA PAGLIKHA NG SERYE.
558
00:43:50,200 --> 00:43:51,440
ANG SERYE AY ARTISTIKONG PAGLALARAWAN
HANGO SA MGA TUNAY NA PANGYAYARI.
559
00:43:51,520 --> 00:43:52,800
ANG LAHAT NG MGA KARAKTER AY NILIKHA
PARA SA NATURANG KWENTO.
560
00:43:52,880 --> 00:43:55,200
Ang pagsasalin ng subtitle ay
ginawa ni Sabrina Sanchez